Chapter Six

34 1 0
                                    

"Huuuy Ethan! Galit ka ba?" I followed him habang nakapila kami for lunch.


Buong umaga niya akong ini-ignore at hindi kinakausap. Hindi ko alam kung ano'ng problema at bakit siya nagtatampo sa akin. Ano'ng nagawa kong mali?? I felt frustrated.


"Bakit ka ba galit ha? Dahil ba kagabi?" Tanong ko ulit. Hindi ko talaga siya tatantanan hangga't hindi niya ako kinakausap!


Sinusundan ko siya sa paglalakad papuntang function hall. Doon kasi ang dining area namin.


"Saan ka ba nanggaling kagabi?" Tanong niya at bahagya akong napatigil sa paglalakad.


There's a hint of coldness and irritation in his question. I was taken aback and a bit wondering why is he suddenly acting like this. Saan nga ba ako galing kagabi?


"Sa labas lang ng quarters nagpahangin, ano-- nakausap ko lang si Macky. Kilala mo? Yung EIC ng English pub classmates--"

"Oo kilala ko. Gabing gabi na nakikipag asdfghjklzxcvbnmasfgjkl ka pa." He continued walking.

"Ha?" Hindi ko naintindihan 'yung binulong niya.

"Wala. Halika na at kumain na tayo." Iniwan niya ako sa gitna ng function hall feeling confused.


 Natanaw ko naman si Macky na papasok ng hall. Babatiin ko sana dahil mamaya na ang laban niya pero hinigit kaagad ako nitong pesteng 'to.



**



It's almost 4:00 PM na nang matapos ako sa pagrereview. Bukas na kasi ang contest sa category ko. Good luck sa'kin!


Pumunta ako sa boys quarter para i-good luck si Ethan. Ngayong hapon ang laban niya sa news writing. Kinakabahan rin ako para sa kanya pero may tiwala ako na kaya niya 'to.


"ETHAN!" Sigaw ko nang makita ko siyang papalabas ng quarter.

"Bakit ka ba nasigaw diyan madam baby?" Maliwanag at maaliwalas na ang aura niya ngayon infairness!

"Yiee bati na ba tayo ha? Gusto lang kita i-good luck kaya ako pumunta dito. Go Ethan! Fighting!"


Huli na bago niya maitago ang kanyang pinipigil na ngiti. Sabi ko na nga ba, magkabati na kami. Ang cute talaga niya ngumiti.


Wait, what?


"Salamat." He smiled brightly.


Sandaling nagtama ang mga mata namin, at nakita ko na naman ang maganda niyang mga mata na kulay brown na sa wari ko ay nakikipag-usap sa akin. Pakiramdam ko ay tumigil 'yung pag galaw ng paligid. It seemed that time had stopped. Agad akong umiwas ng tingin. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Feeling ko ang pula na ng mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kinakabahan ako ng sobra.


"Oh, saan ba ang room mo? Tara samahan kita, dali!" I snapped both of us back into reality at hinigit ko na siya sa braso niya.

The Manhid & The Torpe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon