Naglalakad ako sa covered pathway ng school na tinatawag naming LRT. Katulad kasi ito ng LRT dahil may mahabang mga upuan ito sa magkabilang tabi. Nakita ko sa dulo nito na nakaupo si Claudine kasama ang mga kaklase niya. Eksakto naman na dadaan ako sa harap nila. Nang marating ko ang kanilang pwesto ay biglaang iniangat ni Claudine ang kanyang paa dahilan para madapa ako at mapasubsob ako sa malamig na semento.
Tumilapon ang lahat ng mag dala kong libro na dapay ay ibabalik ko sa library. Tuwang tuwa silang lahat sa nangyari.
"Ano ba naman 'yang editor-in-chief ninyo Clau! Ang lampa!" One of her friends laughed and mocked me.
Muling nagtawanan silang lahat. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estudyante sa paligid.
Kinuha ko isa-isa ang mga librong nagkalat at tumayo sa harapan ng mga taong walang manners. Pinagpag ko rin ang nadumihang parte ng aking palda. Akala yata ng isang 'to ay hindi ko siya papatulan.
"Alam nyo, I wonder kung bakit kayo naka-pasa dito sa high school," Isa-isa ko silang binigyan ng blankong ekspresyon. Napataas naman ang kilay ni Claudine sa sinabi ko. "mabuti at ipinasa kayo ng teacher ninyo sa GMRC. Sa nakikita ko kasi, wala kayong mga manners."
Matalim ang tingin na ibinigay sa'kin ni Claudine at ng mga kasama niya.
"Syempre, kaya nga nandito kami 'di ba, Ms. EIC?" Pabalang at sarcastic na sagot ni Claudine sa akin.
"Yes, I know. Pero hindi ko hahayaan na may isang katulad mo na walang manners ang maka-pasok sa journalism club," Claudine was a bit taken aback from what I said. "sorry Claudine, you are not qualified to join our club. Hindi ka nakapasa." I smirked.
I saw how her face turned paled. She looked so mad and at the same time embarrassed. The students around us started to whisper and talk about her. I know how much she wanted to join the club. But putting my grudge to her aside, hindi talaga siya nag-qualify, kasama na rin ang judgement ng aming adviser who took the final screening. Hindi ko na sila pinag aksayahan pa ng oras at umalis na ako kaagad papuntang library. Ayoko na maka-encounter pa ng bad vibes ngayong araw. Mapagpasensya akong tao, pero hindi sa katulad niya.
Nalaman ko na si Claudine rin ang may kagagawan kung bakit ako nakulong sa press room noon. Nakita namin iyon sa CCTV sa guard house nang minsang magreview kami ng mga CCTV footages.
Hindi ko maintindihan kung ano ang ikinagagalit sa'kin ng babaeng 'yon. Wala naman akong matandaang kasalanan sa kanya. Hindi kaya nagseselos sya dahil kay Ethan?
After the afternoon class period ay dumetso na kami ni Ethan sa press room dahil nagpatawag ako ng meeting to discuss the turnover at send off party para sa aming mga seniors. Nang makarating kami doon ay halos naroon na lahat ng mga members.
"Heto na po ang couple ng taon mga ka-pub, pwede na po tayo magsimula." Sabi ni Sophie. Kurutin ko kaya to sa singit ng manahimik.
We agreed na mag dinner at KTV na lang kami a week before the graduation as send off party para sa aming mga seniors sa journalism club. Pagkatapos noon ay nagclosing remarks na rin ako para sa mga magiging successors namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/37885676-288-k702642.jpg)
BINABASA MO ANG
The Manhid & The Torpe (Complete)
Novela JuvenilSubaybayan ang story ni Yani at Ethan, the one playing safe and the one na hindi kayang sabihin ang nararamdaman niya. Magiging sila pa kaya hanggang dulo? Or will they just spend lifetime turning secrets into regrets? Manhid ka, torpe naman siya. A...