Chapter Five

50 3 0
                                    

"Ready ka na?" Tanong sa akin ni Ethan habang tinutulungan niya akong ilagay ang mga bagahe ko sa loob ng van.

"Yep! Let's go!" Excited ako habang pumapasok sa loob ng van.


Pupunta kami ngayon sa kabilang bayan para sa press conference na dadaluhan ng buong division ng aming region. Nakakaexcite talaga. Last year kasi, dito naganap and venue sa school namin kaya walang thrill, pero ngayon kami naman ang dadayo. I'm free!


"I mean ready ka na sa laban?" I was taken aback of what he asked.


Umupo siya sa tabi ko and relaxed himself. Ako naman 'yung hindi makapag-relax knowing na katabi ko siya. Weird.


"Oo naman!" I tried to convince ourselves. "Ikaw? Galingan mo ha. Pero sabagay kayang kaya mo naman 'yun." He also needs motivations sometimes.


News writing contender kasi siya and first time niyang sumabak sa presscon.


"Sana.." Naramdaman ko na kinakabahan din siya. I messed up his hair to show my sympathy and at the same time, my encouragements.

"You can do it. I believe you." I smiled at him pero bigla siyang nag iwas ng tingin sa akin.


Problema nu'n?


Maya maya ay dumating na rin 'yung iba naming mga ka-pub (ka-publication) at nagsisakay na rin sa loob ng van. Si ma'am Thea naman na adviser namin ay sa shotgun umupo katabi ng driver. Bale dalawa ang sasakyan na aalis ngayon dahil ang kabilang van naman ay para sa English category. Ang grupo kasi namin ay para sa Filipino or Tagalog category naman.


Mahigit dalawang oras ang biyahe papunta sa kabilang bayan kaya naman sobrang boring. Pero pakiramdam ko ay naka-inom ng isang bote ng Enervon 'yung mga ka-pub ko dahil sobrang iingay nila lalo na si Sophie at Genel. Hindi maawat sa pagseselfie at pagtatawanan at pag-aasaran. I was a bit relieved while watching them enjoy the moment.


"Si ate Yan at kuya Ethan ang aming mommy at daddy dito sa pub," simula ni Sophie. Naku kami na naman ang napagtrip-an nito. "pero wish lang namin na magkatotoo at magkatuluyan sila kasi bagay talaga sila. 'Di ba ma'am Thea?!" I facepalmed in embarrassment.


Walanghiya nananahimik ako dito ha.


"Oo naman! Hehehe!" At sumang-ayon pa sa kahangalan itong adviser namin. Juice colored!

"Nako ma'am, huwag na po kayong makisali sa kalokohan niyan ni Sophie." Depensa ko naman.

"Haha! Hindi 'yun joke ate! Talagang torpe lang iyan si kuya kaya hindi makaporma sa'yo at ikaw, manhid ka naman!" Dagdag pa ni Genel.


I felt some pressure inside my head and my cheeks flushed. Pakiramdam ko ay uminit sa loob ng van kahit ang lakas ng aircon. I wanted to check his reaction pero hindi ko magawang makatingin sa kanya. It seems like I got a stiffed neck. Katabi ko pa naman siya at sobrang awkward talaga. I leaned on the window at pasimpleng tumingin sa kanya.


I thanked God dahil nakasuot ang earphones niya. He seemed busy on his phone as well.


The Manhid & The Torpe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon