Chapter Three

57 3 1
                                    

Four months have passed at okay naman ang lahat. Marami kaming pinagkaabalahan bilang mga senior students. Busy na rin sa pag-aaral of course. At heto si Ethan, ang lakas mang asar. Halos araw-araw gagawa siya ng paraan para mainis niya ako. Kung anu-anong tawag sa'kin, minsan tinatago niya ang mga gamit ko! Hindi ko alam kung ano'ng sumasapi sa kanya. He tickles me a lot and it's so annoying! Nakakahiya. Kaya binansagan kami sa classroom na aso't pusa dahil madalas kaming mag talo sa mga nonsense na bagay and ends up making fun of me.


Pero kahit ganoon, hindi naman kami nag aaway, palagi lang kaming nag-aasaran. Tinutulungan pa niya ako sa math. Haha! May tutor ako, akalain mo 'yun?


Magkasama rin kami sa Journalism club. Editor-in-Chief na ako at Associate Editor siya. Mas magaling ako sa kanya eh hahahaha!



**



I was reading my physics book habang nakadungaw sa terrace ng main building. Nagrereview ako dahil may quiz kami mamaya. Hindi ako magaling sa subject na iyon kaya kailangan ko magreview ng mabuti.


"BOO!"


"Ay anak ng tinapa! Peste ka talaga Ethan! Bakit ka ba nang gugulat ha?!" Nakakainis talaga! Heto na naman 'yong kaibigan kong bwiset sa buhay. Grrr.

"Hahaha! Tulala ka kasi."

"Nagrereview ako shunga ka ba?! Kunin mo 'yong book ko sa baba nahulog oh, kasalanan mo 'to!"

"Haha! Peace! Oo na kukuhain ko na po madam baby."


Tinawag pa akong madam baby. Tinutukso niya kasi ako dahil nagpagupit ako ng Long Bob katulad ng buhok ni Melissa Ricks sa Kambal sa Uma. Naging idol ko na yata si Melissa mula noong makita ko siya sa personal last year. Sobrang nagustuhan ko 'yung hair style niya. Hindi ko naman alam kung ano ang connect ng madam baby kay Melissa Ricks. Bahala na kayong mag-isip, tinatamad ako.


Ilang minuto na pero hindi pa rin bumabalik si Ethan. Kailangan ko na 'yong aklat dahil malapit nang dumating ang teacher namin sa Physics. Sumilip ako sa baba at nakita ko na kausap niya si Claudine. 'Yung 3rd year student na naririnig ko na may crush raw sa kanya. Heartthrob talaga ang pesteng 'yon. Inu-una pa ang lumandi kaysa kuhain ang notebook ko. Fishtea! Magre-review pa ako hoy!


"Hoy Ethan mamaya ka na lumandi! 'Yung notebook ko ibalik mo na dito at magre-review pa ako!" Sigaw ko mula sa second floor.

"Heto na po madam baby! Uy Claudine mamaya na lang ha. Punta ka na lang doon."


Pinagsasabe no'n? Ano may date sila? K. Wala akong pake.


Umakyat na si Ethan para bumalik. Masama naman ng tingin sa'kin ni Claudine na para bang inagawan ko siya ng laruan. Problema nya?



**



I went to the press room bago ako umuwi. Kukuhain ko kasi 'yung librong naiwan ko doon last time. Kailangan ko 'yon for review dahil malapit na ang press conference namin. Dapat ngayong taon ay maging champion naman ang school namin sa editorial writing.


Binuksan ko  ang pinto ng room. Maraming nagkalat na mga dyaryo at papel kaya iniligpit at inayos ko muna ang mga ito. Siguro naiwan na naman ito ng mga lower years na makukulit. Wala kasi ang adviser namin dahil may seminar sila sa kabilang bayan. Pagkatapos ay hinanap ko na 'yung book.


Nasaan ba napalagay 'yun...


I was in the middle of searching the book when the lights went out. Kung kailan naman may hinahanap ako saka nag-brownout!


Tumayo ako upang kuhain 'yung cellphone ko para gamitin ko as flashlight. Pero nagulat ako nang bigla namang sumarado ng kusa 'yung pinto. Oh my God. May multo ba dito?


Waaa! Help! Bakit kasi hindi ako nagpasama kay Julie? Huhu! Mama!


Sinubukan kong buksan iyong pinto pero naka-lock na ito. I'm starting to panic and get really scared. Pinagpapawisan na ako ng malamig at nanginginig na ako sa takot. Juice colored! Help meeeee!


Naiiyak na ako. I peeked out on the window, baka sakaling may mapadaan na guard at makita ako, kahit sino. Pero wala, imposible! Nasa dulong part ng school ang press room at wala nang mapapadaan dito kapag ganitong oras na. Malapit nang dumilim ang paligid. Minsan pa ay may nakita akong anino ng isang babae, nakapalda siya katulad ng uniform ko. Pero bigla rin siyang nawala.


Waaa! Baka napagtripan ako ni Belo! 'Yung multo raw na pagala-gala dito sa school na naka-veil. Nagpapakita raw 'yon sa mga horror booths tuwing foundation day ng school. Huhuhu! Mama! Tita! Lola! tulong!


Walang signal kaya hindi ako makapagtext. Waaa! Ano ba'ng kapalaran ito? Lord tulungan Nyo po ako!


Napaupo na lang ako sa isang sulok at niyakap ko ang aking mga binti habang humihikbi sa takot. I really don't know what to do right now.


Mahigit kalahating oras na at madilim na ang paligid. Liwanag na lang mula sa ilaw ng mga lampost sa labas ang pumapasok sa loob ng room. Nilalamok na rin ako pero naiiyak pa rin ako. Sinubukan ko ulit buksan 'yong pinto pero naka-lock pa rin ito. Bumalik na lang ako sa dati kong pwesto. I was about to feel sleepy when I noticed someone hurridly opened the door.


"Yani?! Nasaan ka?" I heard the voice and I knew who was calling me.


Nabuhayan ako ng loob!


"Ethan?!" I called him in despair.


When he turned the lights on, tumambad ang kanyang mukha na alalang-alala ang itsura. Bigla ko siyang niyakap at napa-iyak ako. Naramdaman kong niyakap din niya ako pabalik at hinagod ang aking likuran.


"T-thank you, dumating ka," sabi ko habang naiiyak pa rin at na nginginig sa kaba.

"Ano'ng nangyari? Bakit ka nandito?" Tanong niya habang kumalas ako sa pagka-yakap sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng hiya. Feeling ko ay namula ako bigla.

"H-hindi ko alam, basta pumunta ako dito para hanapin 'yung book na gagamitin kong reviewer para sa presscon.." kinuwento ko sa kanya ang nangyari at hindi siya naniniwala na dahil 'yun sa multo. May hinala siya na may sadyang nag-lock sa akin sa loob ng room.


Pero sino naman ang gagawa no'n? Wala naman akong natatandaan na na-agrabyado ko sa school.


Hinatid niya ako hanggang sa bahay dahil gabi na raw. Napaka-concerned naman niya ngayon. Bakit gano'n 'yung pakiramdam, parang naging thankful pa ako sa nangyari, I saw his priceless reaction and it feels like there's a butterfly flight inside my tummy.




Yani, this is not good.

The Manhid & The Torpe (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon