Simula nang makita ko siya noon na pumasok sa aming classroom, iba na 'yung naramdaman ko para sa kanya. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. Iba 'yung pintig ng dibdib ko kapag nasa paligid siya.
We had a rough start. Pero pinilit ko na magkaayos kami at mapansin niya ako. Ang hirap magpapansin sa kanya. Kaya kahit sa journalism club ay sumali ako para lang mapalapit sa kanya. Hindi naman pala sya ganun kasungit katulad noong una. She's a very different girl. Simple lang pero masayahin at palakaibigan. Pero pikunin sya. Kaya naman ang sarap niyang asarin palagi. Maganda rin siya, kahit hindi sya kasing ganda ng mga beauty queen sa school namin, ang kasimplehan niya ang nagpapaganda sa kanya.
Hindi ko akalain na magiging ganoon kami kalapit sa isa't-isa, at dahil dito, lalo lang akong natakot sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Naalala ko pa noong nakulong siya sa press room. Sinusundan ko lang sya noon sa loob ng school. Pero isang oras na ay hindi pa rin siya lumabas. Alalang-alala ako noon sa kanya. Noon ko lang sya nakitang natakot ng sobra. At sa mga oras na iyon, gusto kong alisin ang takot sa kanya. Gusto kong siyang protektahan.
Hindi ko rin makalimutan ang mga pangyayari noon sa press conference. Naririnig ko ang paulit-ulit na tuksuhan sa loob ng aming van na sinasakyan. Pinipigilan kong mag-react dahil katulad niya ay hiyang-hiya rin ako sa mga sinasabi ng aming mga ka-members. Nagpapanggap na lang ako na nakikinig ng music sa earphones ko para hindi niya ako mahalata. Tama nga sila, talagang torpe nga yata ako. Pero ang saya ko rin noon. Hindi niya alam kung gaano ako ka-saya nang mayakap at mahawakan ko ang kanyang kamay. Ewan ko ba! Para ang bading pakinggan pero masaya ako kapag kasama ko sya.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko lalo na nung nakita ko sya noong senior's night. Halos mapanganga ako sa ganda niya. Sana hindi nya naramdaman kung gaano ako kinabahan noong kasayaw ko siya. Hindi ko naman mainitindihan kung bakit pinipilit niya ako noon na isayaw si Jen, kaya nasabi ko tuloy na siya lang ang gusto kong isayaw noong gabi. Sana hindi niya nahalata.
Noong gabi pagkatapos ng send off dinner namin kasama ang journalism club, balak ko na sanang magtapat sa kanya. Napag-usapan namin 'yun ni Carl. Pero hindi ko pa rin nasabi. Naunahan ako ng kaba at tinamaan ako ng matinding pagka-hiya. Ang labo ko talaga.
Huling pagkikita naming dalawa ay noong gabi matapos ang graduation. Suot pa niya 'yung couple shirt na bigay ng mga ka-pub namin as remembrance. Nagulat nga siya nang makita na pareho kami ng suot na damit. Pero hindi ko siya maintindihan. Iniiwasan nya ako. Wala akong makita kundi lungkot sa kanyang mga mata. Galit sya sa'kin noon pero hindi ko alam kung bakit. Sinabi pa niya na ayaw na nya sa'kin makipag-kaibigan. Napakalungkot ko ng araw na iyon dahil wala akong alam kung bakit ganoon ang mga sinabi nya.
Mabuti na lamang at nakausap ko si Julie tungkol doon. Sinabi ni Julie sa akin ang lahat. Dahil raw kay Jen kaya iyon nagawa ni Yani. Kaya pala palagi niyang ipinagsisiksikan sa'kin ai Jen dahil may gusto ito sa'kin. Samantala, pakiramdam ko ay hindi nya napapansin ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya.
**
FLASHBACK
"Yani! Yani Rose! Huy madam baby!" Hingal na hingal ako sa pagtakbo para lang maabutan ko siya sa paglalakad. Ayaw kasi nya akong pansinin.
"What?!" Iritadong tanong niya.
"Ang sungit mo na naman madam baby."
"Stop calling me madam baby or whatsoever!"
"Ano ba'ng nangyayari sa'yo? May PMS? monthly period?"
"I'm not PMS-ing! Pwede ba? Lubayan mo na ako? Ayoko na makipagkaibigan sa'yo, okay!"
Nabigla ako sa kanya tinuran. Hindi ko inaasahan ang mga ganoong salita mula sa kanya. Pakiramdam ko ay tumigil ang buong sistema ko. Punung-puno ng pagtataka ang aking isip at ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinasabi niya ngayon.
"W-what are you saying Yani?" Hindi ko siya maintindihan.
"Alam mo, you're such a big threat. Simula ng dumating ka, nagulo na ang buhay ko! Dapat ako 'yung top one sa klase eh. Pero nang dumating ka, wala na! Ikaw na ang sikat, ikaw na lahat! Hindi ka naman gwapo! Nakakainis ka! Tapos ang kulit mo pa! Masyado kang papansin!"
Ang then she left me in the middle of the street without even saying goodbye. Ayaw pa rin magsink in ng lahat sa isip ko. Hindi ito 'yung ineexpect ko sa huling pagkikita namin.
END
**
Naging torpe nga siguro ako. Idinaan ko lahat sa pagpapapansin. Pero epic fail, dahil hindi man lang niya napansin ang mga ginagawa ko. Hindi niya alam kung gaano ako kinakabahan kapag kaharap sya. Nagiging paranoid ako kapag tumitingin sya sa'kin. Ayaw kong nakikita na kasama niya si Macky dahil alam kong gusto nya ito. Hindi ko na talaga maintindihan kung ano ang dapat kong gawin noon. Hanggang tingin lang ako sa kanya. Nahihiya akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil baka ma-reject ako. At sa huli naming pagkikita noon, nalaman ko ang kanyang kasagutan -- wala akong puwang sa puso niya.
Pero hanggang ngayon ay isa pa rin siyang alala. Hindi ko pa rin sya makalimutan. Hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon at wala na akong balita sa kanya maliban sa mga nakikita kong few posts niya sa Facebook. Huling balita ko ay nasa US na siya. But she rarely get online at wala rin akong lakas ng loob para i-chat siya sa Messenger. I know she changed a lot. She's been more independent and beautiful. Umaasa pa rin ako na magkikita pa kami. Siguro sa pagkakataong 'yon ay masasabi ko na sa kanya kahit alam kong huli na lang lahat.
Kumusta ka na, madam baby?
![](https://img.wattpad.com/cover/37885676-288-k702642.jpg)
BINABASA MO ANG
The Manhid & The Torpe (Complete)
Ficção AdolescenteSubaybayan ang story ni Yani at Ethan, the one playing safe and the one na hindi kayang sabihin ang nararamdaman niya. Magiging sila pa kaya hanggang dulo? Or will they just spend lifetime turning secrets into regrets? Manhid ka, torpe naman siya. A...