Hindi tumitigil sa pagdaloy ang mga luha ko. Nahihirapan na akong huminga pero ayaw pa rin nitong huminto. Hindi ko nagawa pang makakain ng dinner kanina dahil sa bigat ng nararamdaman kong ito.
Bakit ganun? Napakasama ko bang kaibigan? Ganoon ba talaga ang tingin niya saikin? Tama sya. Hindi ko talaga maintindihan dahil wala akong maisip na maling bagay na ginawa ko sa kanya. Sobrang sakit sa pakiramdam na marinig na isa pala akong walang kwentang kaibigan sa kanyang paningin matapos kong gawin ang lahat para mapansin siya ni Ethan. Kahit ako 'yung nasasaktan, okay lang. Pero mas mahalaga ba talaga 'yung sinasabi niyang 'gusto' para sa lalaking 'yon kaysa sa friendship namin? She is so pathetic!
Matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni sa loob ng aking kwarto, marami akong na-realized sa mga sinabi sa akin ni Jen. Naisip ko na hindi ko rin pala dapat siyang sisihin. Nagmamahal lang siguro siya. Kung pagmamahal nga na matatawag iyon.
Ngunit masakit pa rin na marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. Isa siya sa mga malapit kong kaibigan simula noong junior high school at marami kaming pinagsamahan. Pero pinutol lang niya ang lahat dahil lamang sa damdamin niya para sa isang lalaking hindi naman siya napapansin. Ginawa ko naman ang makakaya ko para mapunta sa kanya ang atensyon ni Ethan. Nagpaka-manhid ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Inisip ko na lang na masamang mahalin ang isang kaibigan and I don't want to break any rule, and I found her as an excuse to what I really feel. Kahit hirap na hirap na akong itago 'yung nararamdaman ko, pinipilit ko pa ring magpaka-normal at magpatay-malisya sa sinisigaw ng puso ko. Pinipilit ko na iignore ang lahat ng saya at sakit. Pero hindi ko alam na ganito rin pala ang mangyayari sa huli.
Tama nga si Taylor Swift, when you're fifteen, don't forget to look before you fall..
Siguro ay dapat muna akong lumayo sa kanila. 'Yung nararamdaman ko para kay Ethan na naging dahilan ng pagkawala ng isa kong kaibigan ay dapat ko na rin sigurong kalimutan. Dapat siguro ay hindi na muna ako maniwala at maging malapit kung kanino man. Masyado akong nasaktan sa mga sinabi sa akin ni Jen. On the other side, she's right. Niloko ko siya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya noon na iisa kami ng lalaking hinahangaan dahil punung-puno pa rin ako ng pagkalito hanggang ngayon.
Si Ethan, dapat ko siyang layuan at kalimutan. Kahit mahirap, kailangan kong kayanin. Mga bata pa kami at marami pa kaming mas importanteng bagay na dapat gawin katulad ng pagtupad sa mga pangarap namin. At isa pa, mali ang magmahal ng isang kaibigan. It's breaking all the rules. Alam ko naman na masasaktan lang din ako sa huli katulad ni Jen. I don't want that to happen, so I will not risk anything.
![](https://img.wattpad.com/cover/37885676-288-k702642.jpg)
BINABASA MO ANG
The Manhid & The Torpe (Complete)
Ficțiune adolescențiSubaybayan ang story ni Yani at Ethan, the one playing safe and the one na hindi kayang sabihin ang nararamdaman niya. Magiging sila pa kaya hanggang dulo? Or will they just spend lifetime turning secrets into regrets? Manhid ka, torpe naman siya. A...