Kabanata III

19.4K 412 9
                                    

KABANATA III

NAHIHIRAPAN siyang huminga. Pagpasok ng kanyang silid ay tinanggal na niya ang dalawang butones ng suot na polo nang pakiramdam niya'y sinasakal siyang lalo nito. Hindi niya maisplika ang nararamdaman. Para ba'ng nagsisikip ang kanyang dibdib at pinipiga ang kanyang puso.

Mabilis ang mga nanginginig na kamay na kinuha niya sa night stand ang bote ng whiskey. Tinungo niya sa cabinet ang baso at saka pinuno ito ng alak. He groaned after annhilating the liquid. His throat burns ngunit hindi niya inalintana iyon. Hindi guminhawa ang kanyang pakiramdam ngunit kahit papaano'y daglit na naalis ang sakit sa kanyang dibdib nang maramdaman ang kagat ng alak sa lalamunan.

Hindi ka pwedeng basta na lang pumasok sa buhay ko, Helion! Magkaiba na tayo ng mundo! Hindi mo pwedeng basta-basta na lang akong kunin para ilipat sa mundo mo!

Marahas siyang bumuntong hininga at ginusot ng kamay ang mukha. Nag-e-echo sa kanyang tainga ang sigawan nila ni Alexa sa ibaba.

Sadyang hindi niya maintindihan si Alexa. Alam niyang nakakagulat ang mga naganap at maski naman siya'y hindi pa rin makapaniwalang natagpuan na niya ang dalagang matagal nang hinahanap-hanap. But this is not how he envisioned this scene. Ang tagal-tagal niyang pinangarap ang sandaling ito. Maski sa panaginip ay paulit-ulit siyang dinadalaw ng imahe ng una nilang pagkikita matapos ang mahabang panahon.

Ngunit kahit alinman doon ay hindi nangyari. Tila nga galit pa si Alexa sa kanya dahil pilit niyang kinokontrol ang sitwasyon.

Hindi naman niya itinatangging gusto niyang kontrolin si Alexa. Simula pa man noong bata pa lamang ito'y iyon na ang ginagawa niya. At isa pa, iyon lamang ang tangi niyang alam na gawin. He likes being the one in control. Always. Sa kahit na ano'ng bagay, sa kahit na ano'ng paraan. It wasn't just because isa siyang Xyrin. Marahil ay nakadagdag iyon sa mga dahilan ngunit hindi niya gagawing excuse ang kanyang lahi para pagtakpan ang bagay na likas na sumibol lamang talaga sa kanya.

He hated not being in control. Lalo na ngayon at lalo na pagdating kay Alexa. She has the power to wreck him, to destroy him. Matagal na niyang alam iyon. Simula nang isuko niya ang puso niya sa dalaga, maski na alam niyang mali iyon, ay inihanda na niya ang sarili para rito. Pero hindi pa rin pala ganoon kadali ang lahat. Masakit pa rin pala kapag naroon ka na. And they haven't even started yet.

Napapitlag siya sa pagkatok ni Jose sa pintuan. Sumilip ang kanyang tauhan at tuluyan nang pumasok nang pahintulutan niya.

Tumungo siya sa bintana ng kanyang silid, hawak-hawak ang basong pinunong muli ng alak. Tuluyan nang nilamon ng dilim ang araw. Wala na siyang makitang bakas ng kanina'y tirik na tirik na liwanag. Ilang oras na ba mula nang nagmamaktol siyang umakyat sa kanyang silid at iwanan si Alexa sa sala?

"How is she?" hindi niya mapigilang itanong.

Hindi na rin naman nagpanggap si Jose na hindi nito alam ang tinutukoy niya. "Sinamahan na siya ni Elena sa kwarto niya sa West Wing. Magkahiwalay sila ng silid ng kanyang kaibigan. Iyong mga damit na pinabili n'yo para sa kanya ay ibinigay na rin. Iniwan siyang naliligo ni Elena."

"Wala siyang sinabi? No'ng umalis ako, ano'ng itsura niya?"

"Mukhang naguguluhan, Sir. Siguro... mas makakabuti kung bibigyan n'yo siya ng oras para makapag-isip sa sarili niya. Kahit naman ako ay naiintindihan ang bata. Hindi man niya nakagisnan ang ganoong buhay, doon siya nasanay hanggang sa tumuntong sa legal na gulang. Kahit naman siguro sino, magagalit kapag may bigla na lamang pumasok sa buhay nila't i-take over iyon."

He whipped around, furious at what he heard. "At ano'ng gusto niyang gawin ko? Hayaan siyang bumalik sa kung saan mang lupalop siya tumitira ngayon? For all I know, baka kung saang illegal settlement lang siya nakikitira! Tingin mo ba ibabalik ko pa siya ro'n? And what of her job?—kung matatawag mo mang trabaho 'yon! Kahit kailan, buong buhay ko, ni sa panaginip hindi ko inisip na makikita kong gano'n si Alexa. I valued her! I cherish her, I worship the hell out of her! Bakit ako papayag na bumalik siya ro'n?

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon