Kabanata XIX

7.1K 163 12
                                    


KABANATA XIX

MAKAPANANGHALIAN nang dumating sila sa tahanan ng Uncle Raymond ni Helion. Nadatnan nilang nag-uumpukan ang magpipinsan habang ang pamilyar na ginang ay sinusubukang pakalmahin nina Britanni at Anthony na naroon din pala't tinawagan din ni Kayla.

"Kuya Helion! Ate Alexa!" si Kei ang unang sumalubong at nakakita sa kanila na sinundan na ng karamihan.

Pare-pareho silang nagulantang nang bigla na lamang sinugod ng yakap ni Auntie Celia si Helion at halos maglumuhod na. Umiiyak ito, mugtong-mugto ang mga mata at bagsak ang mukha.

"P-Patawarin mo ako, Helion! Patawarin mo ako!"

Napamaang si Alexa sa nakikitang paghikbi ng ginang. Samantalang si Helion ay tiim-bagang na tinatanggal ang pagkakayakap ng tiyahin sa baywang. Hanggang sa lumuhod na lamang ang huli't ang binti naman ng kanyang kasintahan ang yapusin nito.

"Hindi ko sinasadya, maniwala ka! Natakot lang din ako! Maniwala ka sa 'kin, Helion! Maniwala ka!"

Natutop ni Alexa ang dibdib, sinasalamin ang parehong ekspresyong nakalapat sa mukha ni Britanni. "Auntie. Mas makakabuti ho siguro kung mag-uusap-usap tayong lahat kasama si Uncle Raymond at Auntie Eula sa itaas. Iyon hong malayo sa mga bata." Mahinahong suhestyon ng kapatid ni Helion subalit nababakas ang pag-aatubili nito sa himig.

Umiling-iling ang ginang. "M-Malalaman din nila! Malalaman din naman nila..."

Doon niya nakitang napigtas ang pisi ni Helion. "At ano'ng sasabihin ng kambal sa 'yo? Ano'ng sasabihin ng buong Legion patungkol sa 'yo, Auntie, kapag nalaman nilang lahat? Gusto mo'ng gawing martir ang sarili mo dahil kinakain ka na ng kunsensya mo? Huli na para d'yan. H'wag ka nang mag-aksaya pa ng oras at bitawan mo ako dahil ayokong nasasangkot sa walang kwentang usapang ito!"

Napanganga si Alexa. Naulinagan niya sa likuran ang mahinahong pagpapalabas ni Britanni sa mga bata. Pagkatapos ay tinulungan nito ang tiyahin na bumitaw sa binti ng kapatid, itinayo at niyakap.

"Magiging maayos din po ang lahat, Auntie. Bigyan natin ng oras si kuya. Umakyat na po muna tayo sa itaas. Mas makakabuting kausapin ninyo si Uncle Raymond. Sigurado po akong kalmado na siya."

Sumulyap si Auntie Celia kay Helion bago tuluyang nagpahila kay Britanni. Si Britanni naman ay makahulugang tumingin kay Alexa, tila nangungusap ang mga mata't nakikiusap. Hindi niya alam kung tatango siya o tatanggi sa babae. Kahit nais niyang magkaayos ang pamilya ni Helion, nag-aalangan naman siyang makitang nasasaktan ito.

Lumunok siya nang magsarado ang pintuang pinasukan nina Britanni. Naramdaman niya ang paghawak ni Helion sa kanyang kamay at sa pagbuntong hininga nito.

"Pasensya na, baby, at kinailangan mo pang makita 'yon. Dapat ay hindi na kita dinala pa rito. Makadaragdag lang sa stress mo ito, eh. Halika na. Bumalik na tayo sa cottage."

Akmang hihilahin siya nito nang pigilan ni Alexa ang binata. Napatingin sa kanya. Lito at may bakas ng pagkabigla ang ekspresyon. "Baby...?"

"Naalala mo noon? Sabi mo sa akin, kaya ka umalis at lumayo no'ng sixteen years old ako ay dahil gusto mo'ng maging tamang lalaki para sa akin." Sa puntong iyon ay dumilim ang anyo ni Helion, humigpit ang pagkakahawak sa kanyang kamay na tila ba wala itong intensyong pakawalan siya. "Gusto mo ba'ng malaman ang totoo, Helion?"

"Ano'ng... ano'ng totoo?" lito nitong tanong.

Ikinulong niya ang mukha ng lalaki sa kanyang palad. "Ang totoo'y ikaw ang tamang lalaki para sa akin. Ikaw ang lalaki para sa akin, Helion. Pero hindi ikaw ang tamang lalaki para sa sarili mo."

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon