Kabanata XVII

6.7K 169 16
                                    

KABANATA XVII

"YOU know something, Uncle!" mabilis na bulalas ni Britanni na kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya.

Instant ang pamumutla ng mukha ng lalaki, na parang may nagbuhos dito ng malamig na tubig. Hindi malaman ni Alexa kung ano'ng iisipin sa reaksyong iyon. Ang alam lamang niya, gusto niyang puntahan si Helion. Gusto na niyang bumalik sa binata, hindi para magtanong o mag-usisa.

Gusto lamang niyang yakapin ito ng mahigpit na mahigpit at burahin ng pagmamahal niya ang kung anumang mga masasamang bagay ang bumabagabag sa binata.

"H-Hindi ako sigurado, Britanni." Utal na wika ng lalaking tila hindi nakatiis at tumayo ng may pagkabalisa. Nagpalakad-lakad ito sa kanilang harapan, hindi marahil mapakali sa naiisip. "Alam naming may problema si Helion kay Kronos. Tatlong linggo matapos mailibing ang Daddy at Lolo mo, napansin namin 'yon. Hindi ko maaaring mapagkamali ang galit na nasa mga mata ni Helion. Pero kahit na minsan hindi siya nagsalita ng kahit na ano'ng laban kay Kronos."

Mabilis na bumaling si Anthony sa mapapangasawa. "Baby, wala ka ba'ng natatandaang kahit na ano'ng kakaiba sa Uncle at kuya mo no'ng mga panahong 'yon? Hindi mo ba nakikitang sinasaktan ng Uncle mo ang kuya mo o kahit na ano?"

Sunod-sunod ang pag-iling ni Britanni, ang mga luha'y nasa gilid na ng mga mata nito at nakaambang tumulo. "W-Wala! Wala namang problema no'n, eh. Kuya was just being his usual self. Dati nang masungit 'yon. Tahimik. I-Imposibleng may mangyaring gano'n. Makikita't maririnig ko 'yon kung meron. Lalo na si Auntie. Mahal na mahal ni Auntie Celia si kuya."

"H-He had... s-scars." Lumulunok na sabad ni Alexa, hindi sigurado kung ano'ng ibig sabihin ng impormasyong ibibigay niya. "On his back. Hindi pangkaraniwan. Hindi kagaya ng mga peklat niya na galing sa Afghanistan. Mas luma ang mga 'yon."

"I've seen them." Tango ni Anthony. "Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha 'yon. Hindi ko rin naman itinanong sa kanya."

"Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ako sigurado. Pero nang makaalis si Helion sa kustodiya ni Kronos at makuha niya ang lahat ng mana ng Daddy mo na para sa kanya, Kronos started doing things na kahit kami'y nagugulat. Nagsimula siyang saktan ang asawa niya. Umabot sa puntong pati ang kambal ay sa amin na ipinatira ni Celia. Akala namin dahil lang 'yon sa frustration nang kunin lahat ni Helion sa kanya ang mga korporasyong hinawakan niya habang hindi pa fit na manahin ng kapatid mo ang mga negosyo ng Daddy mo. Kagaya ni Kronos, kahit kami'y nakaramdam din ng tampo sa kuya mo. To do such things gayong alam niyang maghihirap ang Uncle niya...

"Nang magpakamatay si Kronos, everyone in the family was there. Pwera sa kuya mo. Natatandaan mo 'yon? No'ng sinabi ni Helion na nasa Maynila siya pero ang totoo'y nasa hospicio lamang pala siya't nasa Davao the whole time na ipinagluluksa natin ang Uncle mo."

Alexa remembered that too. Magkatabi sila noong matulog ni Helion. Mag-iisang linggo ring nanatili doon ang binata. Kabilang ang mga sandaling yio nsa pinakamasayang araw sa kanyang buhay noong bata pa siya. Subalit tila kabaliktaran naman iyon ng kay Helion.

Tumingin si Britanni sa kanya na waring nagtatanong. Tumango siya, aware na humihingi ito ng kumpirmasyon kung totoong sa hospicio nanatili si Helion nang mga panahong iyon.

"S-Sorry. Hindi ko kasi alam na may gano'n. Wala siyang sinabi na kahit ano'ng tungkol doon. Hindi ko rin alam na may namatay palang Uncle si Helion that time."

"Hindi ko na inungkat ang araw na 'yon." Pagpapatuloy ni Uncle Raymond. "Pero ngayon natatandaan ko ang bawat reaksyon ni Celia. Maski nang ma-realize ng buong pamilya na wala si Helion doon. Parang hindi siya nagulat. No'ng libing na ni Kronos, nang malaman niyang maraming utang na naiwan sa kanya ang kapatid ko, she broke down. She said things na hindi ko naiintindihan noon. Pero ngayon... pakiramdam ko parang may kinalaman ang nangyari sa mga sinasabi niya noon."

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon