Kabanata X

9.6K 207 23
                                    

A/N: Hello there, every Juan! <3 Sorry sa medyo matagal na update hahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Hello there, every Juan! <3 Sorry sa medyo matagal na update hahaha. But I'd just like to plug my selfpub book, Black Blood Academy: Kill Schneider (photo above). It's available for preorder until July 10, 2017 for only Php250.00 plus shipping fee. For more details, you can click the order form in the external link. Pagbigyan nyo na ako, last naman na ito hahahaha. Mwa, dearlings! Enjoy the chapter! <3


KABANATA X

NABIBINGI si Alexa sa katahimikan ng gabi. Gustong-gusto na niyang matulog, gusto na niyang ipahinga ang isipan. Pero sa kung anumang kadahilanan ay ayaw siyang dalawin ng antok. Paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang isipan ang nangyari kanina.

Simula nang lumipat siya dito, hindi na siya pinuntahan ni Helion. Hindi rin naman siya bumaba kanina para kumain. Imbis, hinatiran lamang siya ng hapunan ng katulong na hindi rin naman niya ginalaw. May parte sa kanyang nakahinga ng maluwag nang mapagtantong walang balak si Helion na kulitin siya. Ngunit malaki naman ang parte sa kanyang mas lalong nasaktan at natakot dahil sa ginawang iyon ng binata.

Hindi na rin niya maintindihan ang kanyang sarili. Kanina'y nais niyang mapag-isa. Nais niyang makapag-isip. Ngunit ngayon naman ay hinahanap-hanap niya ang presensya ni Helion. Gusto na niyang ito ang mag-desisyon para sa kanya. Napabuntong hininga tuloy siya. Para na siyang isang baliw. Hindi na niya alam ang gagawin. Kung ano'ng iisipin at kung ano'ng sasabihin kay Helion at kay Zaira kinabukasan.

Tinungo niya ang terasa sa kanyang silid at tumanaw sa langit mula roon. Naalala niya ang sinabi ni Mother Superior noon pang bata siya. Pinagtatagpo raw ng mga bituin sa langit ang mga taong magkakalayo. Para na rin daw kasing kapiling mo ang mga taong malayo sa 'yo kapag tumatanaw kayo sa iisang langit. Sa iisang bituin.

Napagtatagpo rin kaya ng mga bituin ang dalawang pusong magkalayo?

Noon pa naman kasi'y ganoon na ang sitwasyon nila ni Helion. Magkalayo ng edad, magkalayo ng agwat sa estado, magkalayo ng mundo, magkalayo ng buhay. Papaano niya ba tatawirin ang agwat nila ng binata? Papaano niya ba tutuntunin ang puso nitong tila inialay na nito sa iba?

Muli pa'y huminga siya ng malalim. Lumingon siya't tinitigan ang pintuan, iniisip kung itutuloy ang binabalak o hindi na lamang. Ngunit nang hindi makatiis ay lumabas din siya sa silid saka tahimik na tinahak ang daan patungo sa silid nila ni Helion.

Hindi nakakandado ang pintuan nang pihitin niya ang seradura niyon. Nakabukas ang lampshade sa bedside table at kita niya ang malaking anyo ng binata na sinakop ang bahagi niya sa kama at nakaunan sa kanyang unan. Nakita rin niya ang basyo ng whiskey sa coffee table, ang baso sa ibaba ng kama na may natunaw na yelo at ang ilang mga gamit na nasa sahig na sa hula niya'y ikinalat ni Helion.

Minsan pa'y napabuntong hininga siya. Isa-isa niyang pinulot ang mga gamit na nagkalat saka inilagay iyon sa tamang lagayan. Inililigpit niya ang bote sa mesa nang marinig niya ang malakas na pag-ungol ni Helion sa kama. Napalingon siya't natagpuan ang binata na waring binabangungot, ang mga kamay ay nilalamukos ang bed dress, ang ulo'y pabaling-baling at para ba'ng may kung ano'ng tinatakasan ang lalaki sa hindi niya mawaring paggalaw nito ng katawan.

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon