Kabanata VIII

11.3K 255 20
                                    

KABANATA VIII

SAGLIT na umalis si Helion para kumuha ng makakain nila. May mga dala na itong tray ng biscuits, mainit na tsokolate at pasta na nakalagay sa isang tupperware pagbalik na ikinataas ng kilay niya sa pagkamangha.

"Saan nanggaling 'yang mga 'yan?"

Ngumisi si Helion bago bumalik sa dating pwesto't kinandong siyang muli. "Prepared ako s'yempre. May stock na sa cottage bago pa man kita dalhin dito."

Napatango na lamang siya roon. Sa loob-loob niya'y inasahan na niya iyon. Lagi naman kasing pinaghahandaan ni Helion ang mga sorpresa nito sa kanya. Minsan nga'y napapatanga na lamang siya sa galing nitong magtago ng mga ganoong bagay.

"Helion?"

"Hmm?" tugon ng binata saka iniumang sa kanyang bibig ang tinidor na pinaiikutan ng pasta.

"'Yong mga peklat mo sa likuran, saan mo nakuha 'yon?"

Tumingin sa kanya si Helion, tila ba sinusuri't may hinahanap sa kanyang mukha. Mayamaya'y bahagyang itong ngumiti. "Is that your first question?"

Tumango siya bilang kumpirmasyon. "Ayaw mo'ng sagutin?"

"Kapag hindi ko sinagot, edi natalo ako." Tatawa-tawang biro nito. "Some of the scars I have in my body, nakuha ko sa Afghanistan."

"Ano'ng meron sa Afghanistan?"

Itinaas ni Helion ang dalawang daliri, wari ba'y nagtatanong na tinanguan naman niya. "Mahirap maging sundalo sa isang banyagang bansa, baby. Lalo na sa parteng iyon ng daigdig. Hindi katulad ng mga militante't terorista sa Pilipinas, hindi na tao ang mga naroon.

"Sa ikalawang taon ng paninilbihan ko sa Afghanistan, may nagpasabog ng humvee ng grupo ko. Papunta dapat kami sa main city para bigyan ng ammunitions ang kabilang grupo when the incident happened. Marami sa grupo ko ang nakuha. Anim lang kaming natira na sugatan. After ten months, kinailangan naming i-rescue ang mga kasamahan naming nakuha ng mga terorista. I had huge damages on my body by the time na mailabas namin ang nag-iisang survivor na nakuha nila. That was Anthony. And that's how I got my scars."

Napatanga si Alexa, nagitla at bahagyang nagimbal. Ang isipin pa lamang sa ganoong klase ng panganib si Helion, para nang malalaglag ang puso niya. Napapalunok siya habang inaalala ang mga nakita niyang peklat sa katawan nito noong unang gabi nila. Sa palagay niya, ang mga nakita niya sa braso nito, sa dibdib at sa tagiliran ay ang mga napaglipasang bakas ng sugat na tinamo ng binata sa Afghanistan. Pero ang nasa likuran ni Helion... kakaiba.

Gabi-gabi niyang hinahaplos at tinititigan ang mga bakas ng sugat ng binata. Ang mga nasa likuran nito'y halatang pinaglipasan na ng mahabang panahon. Kung tama man ang hinuha niya, nakasisiguro siyang hindi galing sa pakikipaglaban nito sa mga terorista ang mga peklat na iyon.

"Some of the scars I have in my body..."

Some. Hindi lahat.

"Eh 'yong iba? Saan 'yon?"

Nakita niya ang daglit na pagkamangha sa mga mata nito nang titigan siya ng binata. Marahil ay hindi nito inaasahan na mapapansin niya ang maliit na detalyeng iyon.

Ngunit sa kanyang pagkabigla'y hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at nagdampi ng halik sa kanyang labi, senyales na wala itong balak na sagutin ang kanyang tanong. Napasimangot tuloy siya nang dahil doon.

"Ako dapat ang hahalik sa 'yo at hindi ikaw ang hahalik sa akin."

"You have to be fast enough to do that, baby." Ngingisi-ngising wika nito na inirapan niya sa inis.

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon