Kabanata IX

9.6K 217 32
                                    

A/N: Sa mga nagtatanong, buhay pa ho ako. Hahahahaha. But I'll be getting off Wattpad permanently along with my heartruiner account. Thing is, if I'm going to write (which would be very rare since I'm a graduating student na) it would be probably be for publishing na lang. But I will finish this book don't ya worry guys. And I might publish this too (self-publish lang po) if I see any potential in this work.

Mwahugs, guys! Enjoy <3

***


KABANATA IX

HINDI pa rin talaga malaman ni Alexa kung ano'ng pumasok sa kanyang isip. Maski ngayong komportable siyang nakasiksik sa mga bisig ni Helion at hinahayaan itong paglaruan ang kanyang buhok, hindi pa rin niya lubos maisip kung ano'ng nangyari sa kanyang katawan at ganoon na lamang iyon tumugon sa binata kanina.

"I can hear the wheels of your mind turning."

Tiningala niya ang nakayakap na lalaki. "Huh?"

"Sabi ko nag-iisip ka. May iniisip ka. Ano'ng iniisip mo?"

Madami, gusto niyang sabihin. Napakarami niyang iniisip nang mga oras na iyon. Ilang segundo siyang tumahimik para lamang iorganisa ang mga iniisip niya. Pagkatapos ay saka niya sinalubong ang kalmadong ekspresyon ni Helion.

"'Yong kanina... ano'ng klaseng bar 'yon?"

Naramdaman niya ang pagbuntong hininga ng binata. Saglit lamang iyon, para pa ngang ayaw ipahalata sa kanya. Hindi niya marahil malalaman kung hindi lamang siya malapit sa dibdib nito.

"It's called The Clique. It's a bar I own."

Napakurap siya. "Sa 'yo ang bar na iyon?"

Tumango. "Yes, baby. Britanni is funding it, I founded and ran it."

Kaya naman pala kapansin-pansin ang kakatwang kaalaman ni Helion sa mga silid kanina. At noong lumabas sila'y nahalata rin niya ang bahagyang pagyuko ng mga staff sa bar. Maski na ang parang pa-VIP na trato ng mga ito kay Helion kanina'y napukaw din ang kanyang atensyon.

"It's a BDSM club."

Napakunot siya ng noo. Ano raw?

"Bidi—ano? Hindi ko naintindihan."

Sa pagkamaang niya'y bahagya pang natawa ito't hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. "I'd be really really surprised if you know about it. Baka magkaroon ako ng sakit sa puso kapag sinabi mo sa aking alam mo ang tungkol sa bagay na 'yon."

Lalo pa niyang ikinalito iyon. "Pero ano ba kasi 'yong sinabi mo?"

Sumeryoso ang ekspresyon ni Helion. "BDSM. It stands for Bondage and Discipline. Dominance and submission. Sadism and masochism. Sexual practices na hindi mo na dapat malaman. I wouldn't tell you anything na hindi importante. You just have to know the things we do at Clique isn't at all... clean. May mga magsasabing baliw kami. Na hindi normal ang gano'n. Na... na makasalanan kami."

Helion looked at her na para ba'ng may iba pang nais sabihin ang binata sa kanya. Pakiramdam niya, iniisip nito ang napag-usapan nila kanina sa beach. Iyong patungkol sa kanilang dalawa. The innocent and the damned, ulit niya sa isipan.

Hindi niya pinansin ang tingin na iyon ni Helion. "'Yong ginagawa ro'n sa ibabang palapag kanina, ano'ng tawag do'n?"

"It's a scene. When a Mistress or a Master wants to present an act for the audience with their slaves, iyon ang ginagamit nilang mga booth. They'd simply lift up the trick mirror and they're good to go."

"Mistress? Iyon ang tawag ni Anthony kay Britanni, hindi ba?"

Muling tumango si Helion. "Yes, baby."

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon