Kabanata XI

8.3K 186 9
                                    

KABANATA XI

AGAD-agad ang pagbalikwas niya ng bangon mula sa pagkakahimbing. Mga ilang segundo pa niyang pinakiramdaman ang kanyang sikmura bago nagpasyang tumakbo na ng tuluyan sa banyo at itapon ang lahat ng kinain niya kinagabihan sa lababo.

Iniisip niya kung ano'ng posibleng nakain niya ng masama noong gabing iyon. Sa pagkakatanda niya'y wala naman. Si Helion pa nga ang nagluto ng hapunan nila kagabi. Ano ba'ng nakain niyang masama?

"Baby—oh hell."

Naramdaman niya si Helion sa kanyang likuran, sinisinop ang kanyang buhok at marahang hinahagod ang braso niya. Nanatili ito roon hanggang sa kumalma ang nagwawala niyang sikmura.

"Okay ka lang, baby girl? Ano'ng kailangan mo? Nahihilo ka ba?"

Kunot-noo siyang umiling sa sunod-sunod nitong mga tanong. "Okay lang ako. May nakain lang siguro akong masama. Ikaw? Wala ka'ng nararamdaman? Pare-pareho naman tayo ng kinain kagabi. Pero bakit kaya ako nagsuka?"

May kung ano sa ekspresyon ni Helion na hindi niya mawari. Para ba'ng may nais itong sabihin na hindi nito mailabas. "Baby... magagalit ka ba sa 'kin kapag pina-check up kita?"

"Check up? Agad? Ano ka ba, hindi na kailangan no'n. Maayos ako. Sabi ko naman 'di ba? Baka may nakain lang akong masama. Hindi lang siguro sumang ayon sa tyan ko sa hapunan natin kagabi." Saglit tuloy siyang napaisip kung si Zaira ay naapektuhan din sa kinain nila.

"Would you be really really pissed off if I tell you I have an inkling that you're pregnant?"

Hindi nag-sink in sa kanya ang sinabi ng kaharap. Ang naunang rumehistro ay ang pamumutla ng ekspresyon nito. Na para ba'ng binuhusan ng malamig na tubig si Helion sa hindi niya malamang kadahilanan.

Pagkatapos ay nag-replay sa utak niya ang sinabi nito. rumehistro ang nag-iisang salitang iyon na nagpalaki ng kanyang mga mata sa gulat. "A-Ano?"

"Please, Alexa, hear me out. Nagawa ko lang naman 'yon kasi hindi ko sigurado kung mabibigyan kita ng sapat na panahon para tanggapin ako. I admit... I admit I intended it to happen. But I wanted it so much. Gusto kong makitang dinadala mo ang baby natin. Please I'm sorry."

Nakagat niya ang labi, hindi makapaniwalang naririnig niya ang mga iyon galing sa bibig ni Helion. Ngunit nang mag-angat siya ng tingin sa nagmamakaawang mukha ng binata ay wala siyang makapang galit ni inis sa ginawa nito. Sa halip, napuno ng init ang kanyang puso sa ideyang may buhay sa kanyang sinapupunan. Buhay na bunga ng pagmamahal ni Helion sa kanya.

And it wasn't so bad, is it?

"Hindi ako galit. Sana... sana lang sinabi mo kaagad sa akin. Paano kung naging clumsy ako at nalagay ko sa alanganin ang baby natin?"

Relief filled his expression. Maski siya'y gumaan din ang pakiramdam nang makita iyon. Hindi naman niya talaga kayang magalit kay Helion. Magtampo siguro o mainis, oo. Pero labis niyang mahal ang binata para kagalitan ito sa isang bagay na nagawa lamang nito dahil sa takot na mawala siyang muli.

Kinabig siya ni Helion at niyakap ng mahigpit. Humalik sa kanyang noo pababa sa tungki ng kanyang ilong. "Bibili ako ng pregnancy test kit. Pagkatapos magpapa-chec up tayo kaagad ospital para maksiguro. Okay?"

Napasimangot niya. "Ayoko sa ospital."

"Alexa. Kasama mo naman ako. Ako ang bahala. Do you trust me?"

At dahil nga wala siyang kayang itanggi sa binata'y tumango siya. Alam niyang magiging ligtas siya kapag kasama niya si Helion.

Nang makaligo silang pareho'y bumaba si Helion para mag-utos kay Jose na bumili ng test kit sa drug store. Siya naman ay nagtungo sa silid ni Zaira at inabutan ang dalagang nanonood ng TV sa kama.

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon