Kabanata VII

11.8K 229 32
                                    

KABANATA VII

"HELION?"

"Mm?"

Kinagat ni Alexa ang labi, hindi sigurado kung dapat pa ba niyang usisain si Helion tungkol sa nasaksihan niya kinagabihan. Pero nagising siyang iyon ang iniisip na maski ang paglalaro ni Helion sa kanyang buhok ay hindi niya ma-appreciate at masakyan.

Kaya't para sa ikatatahimik ng usisera niyang utak, pinili na lamang niyang isatinig ang mga katanungan niya.

"'Yong galaw nina Anthony at ate Britanni kagabi. May kakaiba kasi. Hindi normal. May alam ka?"

Itinungkod ni Helion ang siko sa gilid ng kamay upang suportahan ang sarili nang salubungin nito ang nagtatanong niyang mga mata. Nakangiti ang binata, nagniningning ang mga mata ngunit ramdam niyang may tensyon na itinatago ito.

"Wala namang normal sa lahi namin. Meron ba?" pagbibiro pa ng binata.

Ngumuso siya. "Seryoso kasi."

"If I'm gonna tell you, I'll have to kill you."

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit naman?"

"Kasi sikreto 'yon. Kung ayaw mo namang patayin kita, pakasalan mo na lang ako. Para mapalitan na natin ang apelyido mo at makasama ka na sa mga taong may alam ng sikreto. Kasi Knight ka na. Hindi ka na San Joaquin."

Sa inis ay kinurot niya si Helion sa tagiliran. Napaigtad itong bigla at nagtawa nang bumagsak sa sahig. Magso-sorry sana siya pero hindi niya napigilan ang matawa rin sa nangyari. Nakalimutan tuloy niyang may itinatanong siyang importante sa binata na halata namang iniiwasan nitong sagutin sa kung anumang kadahilanan.

"Did you just pinched me?" hindi makapaniwalang bulalas ni Helion at kunwa'y gulat na gulat sa kanyang ginawa.

"S-Sorry." Natatawa niyang sabi kasabay ng pagbangon. "Ikaw kasi!"

"Ah, Mrs. Knight. Lagot ka sa 'kin."

Nanlaki ang mga mata niya hindi dahil sa itinawag nito sa kanya kung hindi dahil sa pagbabanta sa tono nito. Akma na niyang hahablutin ang roba sa night stand para maghandang tumakbo nang mabilis siyang higitin ni Helion sa baywang at kubabawan sa isang kisap lamang ng mata.

"'W-Wag. Helion kasi!"

At tuluyan na siyang humagalpak sa tawa't nagpupumiglas ng pilit nang kilitiin siya ng binata sa tagiliran. Halos mamilipit siya sa kiliti't maiyak sa katatawa pero wala pa ring balak na tumigil si Helion.

"Hindi na, hindi na! Sorry na!"

"No, I'm going to punish you for pinching me. Masakit ka mangurot, misis. Tumatagos sa buto ko."

Natawa siya sa sinabi ni Helion na nauwi sa pangalawang round ng pangingiliti nito. Nang marahil ay makita ng binata na hindi na siya makahinga sa katatawa ay saka lamang ito tumigil at masuyo siyang niyakap habang binabaliktad ang kanilang posisyon. Humahagikhik pa rin siya maski nang nasa ibabaw na siya ni Helion at hinahaplos nito ang kanyang likuran.

"I love your laugh." Bigla na lamang sabi nito na nagpatigil sa kanya. "Gusto ko lagi kitang napapatawa ng gano'n. Gusto kong laging marinig ang tawa mo. It brightens my world, do you know that? I see rainbows and butterflies whenever I hear you laugh."

Isiniksik niya ang mukha sa leeg ni Helion at nagdampi ng malambing na halik. Gusto niyang itanong kung pati ba siya'y mahal din nito. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Sa tingin naman kasi niya, hindi na kailangan pa ng salita para malaman niya kung ano'ng nararamdaman ng lalaki para sa kanya. Sabi nga nila, hindi ba? Action speaks louder than words daw.

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon