Epilogo

12.6K 300 18
                                    

EPILOGO

"LUMAYO ka sa akin at baka masapak kita!" pagbabanta ni Helion kay Anthony na tuwang-tuwa sa pambubuska sa kanya kanina pa.

Humalakhak lamang ito at tila hindi ininda ang kanyang sinabi. "Biro lang, pare. S'yempre darating si Alexa. Saan naman magpupunta 'yon? Isla kaya itong Ariadne. Masyado lang talaga tayong maaga. Ang atat mo kasi."

Napabuntong hininga siya. Kasalanan ba niyang ma-excite sa sarili niyang kasal?

Naririnig niyang nagtatawanan ang mga taong malapit sa kinatatayuan nila. Ang paring magpe-preside sa kanilang kasal ay kadarating lang din at ngayon ay kinakausap nina Auntie Eula at Celia.

"Parang kailan lang 'no?" mayamaya'y naulinagan niyang buntong hininga ni Anthony. "Nasa Afghanistan tayo. Walang bakas ng ngiti sa mukha. Wala ni kahit na katiting na buhay ang mga mata. Sino'ng mag-aakalang sa ganito tayo hahantong?"

Napatitig siya sa mga kaibigan niyang nasa front row at tahimik lamang na nakaupo roon, pare-parehong naliligaw sa sarili nitong mga alaala.

Naitanong niya tuloy sa sarili kung dati ba'y ganoon siya. Kung dati ba'y para siyang isang zombie na stuck sa sarili niyang isipan. Tunay nga siguro ang sinabi ni Anthony. Kay laki ng kanilang ipinagbago. But somehow, alam niya na noon pa man na makakabawi siya. Isinumpa niya iyon. Ipinangako niya sa sariling mabubuhay siya ng matiwasay. Ng masaya. Ng hindi ginugulo ng bangungot ng kanyang kahapon.

Unti-unti nang naaayos ang kanyang buhay. Wala nang mga panaginip. Wala nang bakas ng alaala ng kanyang Uncle Kronos. Pinili niyang tahakin ang tamang daan. Nagpahanap kay Anthony ng counseling doctor na maaari niyang makausap. Paunti-unti'y nakikita niya ang pagbabago sa sarili. Naging mas maaliwalas ang mundo. Mas lalo pang nagkaroon ng liwanag at kulay.

Binabalak na niyang huminto sa pagma-manage ng The Clique. Pinag-iisipan niyang ipasa iyon kay Deanne. Wala na rin naman kasing saysay ang pananatili niya sa bar dahil huminto naman na siya sa pag-practice ng ganoong lifestyle. Subalit nagpapasalamat pa rin siya roon. May mga bagay din kasing gustong matutunan at masubukan ni Alexa. Salamat sa experience niya sa BDSM, naituturo niya ng maayos iyon sa minamahal.

Isa pa'y nais na rin niyang ma-kontrol ang kanyang mga negosyo. Gusto niyang paikliin ang oras sa pagta-trabaho dahil nagde-demand si Achilles ng mas maraming atensyon lalo na't isang estudyante si Alexa. Alam niyang nahihirapan ang kasintahan sa pagma-manage ng oras. Kaya nga hangga't maaari ay binabawasan niya ang kanyang pagta-trabaho para makatulong dito.

"Here comes your bride." Biglang anunsyo ni Anthony mayamaya na nakapagpapitlag sa kanya mula sa pag-iisip.

Napatitig siya sa pinakamagandang babaeng nasilayan niya sa buong buhay niya. Of course, that maybe a little biased. Pero para sa kanya'y si Alexa lamang naman talaga ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Kahit pa nakasimangot o nagiging pilya, ang ganda pa rin ni Alexa para sa kanya.

Naalala niya noong labing anim na taon siya. Nakatayo siya sa puntod ng kanyang ama, umuulan at namamanhid na sa lamig. Nagulat siya nang may humawak sa kanyang kamay, a familliar tiny little fingers intertwining with his.

Pagtingin niya'y naroon sa tabi niya si Alexa, nakakapote at kagat-labing nakatingin sa puntod ng kanyang ama.

"A-Alexa... Baby girl..."

"Hello po, Mr. Hades!" naaalala niyang bungad nito sa maliit na boses na para ba'ng totoong nakakausap ng dalaga ang kanyang ama sa puntod. "A-Ako po si Alexa. Alexa San Joaquin po. Natatandaan n'yo po? Sorry po, ngayon lang po ako nakapunta sa inyo. Sabi raw po ni Helion nasa heaven na kayo. Maganda po ba d'yan? Siguro po masaya kayo d'yan kasi kasama n'yo na po 'yong mama ni Helion.

"Mr. Hades, h'wag po kayo mag-alala. Alam ko pong nalulungkot si Helion ngayon. Pero promise ko po, aalagaan ko siya. Hinding-hindi ko po siya iiwanan kahit kailan at kahit na ano'ng mangyari. Promise ko po 'yan sa inyo."

At hindi niya kahit kailan na inakalang ang pangakong iyon ay madadala pa ni Alexa hanggang sa pag-iisang dibdib nila.

"Sabi ko naman sa 'yo. Hindi nga kita iiwan." Nakangising pambubuska pa ni Alexa sa kanya nang matapos isuot ang kanyang singsing. "Ang takot ko lang sa Daddy mo, baka multuhin ako. Takot kaya ako sa multo."

Nagtawanan ang mga bisita maski na siya. Akma niyang hahalikan ang misis nang tumikhim naman ang pari sa kanilang harapan. Panibagong tawanan na naman nang irolyo niya ang mga mata at itinuloy pa rin ang paghalik.

"It's Mr. Knight's turn for the exchanging of vows." May ngiti sa mga labing anunsyo ng pari. "Mayroon daw siyang inihandang vow na sarili niyang gawa para kay Miss San Joaquin."

Nginitian niya si Alexa. Kasabay ng pagkuha niya ng kamay ng dalaga ay ang paghawak din niya sa wedding ring na isusuot niya sa daliri ng dalaga mayamaya.

"Ang sabi ng Daddy ko, mabait ka raw na bata. Hindi ka raw makulit. Hindi ka maluho. Hindi ka mahirap alagaan. Ang sabi niya hindi ka raw salbahe. At lalong hindi ka raw sutil." Napangisi siya roon dahil alam nilang pareho kung gaano kasutil si Alexa, sa labas o loob man ng kanilang kwarto. "But my Dad failed to tell me that you have a dark chocolate eyes that will make me fall so madly in love with you. Hindi niya sinabing may mga labi ka'ng kahuhumalingan ko. Na may boses ka'ng binabalik-balikan ko. Hindi niya nasabing kapag tinanggap ko ang responsibilidad ko bilang guardian mo ay mababaliw ako sa pagmamahal sa 'yo. Wala naman kasi sa usapan 'yon. Pero nangyari. At nagpapasalamat ako sa kanya, kung nasaan man ang Daddy ngayon.

"Alam niya marahil na ikaw na 'yong hinihintay ko. Siguro alam niyang ikaw na 'yong babaeng matagal ko nang hinihintay. Akala ko noon, nagkamali ang tadhana. Akala ko noon nagkamali lang ang Daddy. Pero hindi, Alexa. Sa akin ka. Alam kong akin ka. The heavens must have known na kakailanganin kita. Ikaw ang ibinigay ng langit sa akin. To have and to hold. To love and to cherish. Until death do us part, baby."

Hindi niya alintana ang panginginig ng kanyang mga kamay habang isinisilid ang singsing sa daliri ni Alexa. Basta't ang alam lamang niya'y masaya siya. Sa kanya na si Alexa. Wala nang ibang makakakuha sa una't huling babaeng pakamamahalin niya.

"Ani L'dodi, V'dodi Li."

"I now pronounce you man and wife. You may kiss the bride."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Alexa nang itaas niya ang belo nito, ang mga mata'y nagniningning at ipinararating sa kanya ang pag-unawa sa mga binitawan niyang salita.

"You are mine, my beloved." Usal nito bago magdampi ang kanilang mga labi.

Ngumiti siya, pumikit, tumango. "And I am yours, my beloved."

FIN

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon