Kabanata XX

8.5K 172 9
                                    

KABANATA XX

TAHIMIK na inilapag ni Alexa ang bote ng wine sa bedside table bago naupo sa harapan ni Helion sa gilid ng kama. Agad na hinawakan ng binata ang kanyang kamay, dinala iyon sa labi at dinampian ng masuyong halik. Doon niya nadama ang bahagya nitong tensyon. Nag-aalala marahil sa magiging usapan nila.

"Helion, kung hindi mo pa kayang sabihin ayos lang sa akin. Hindi naman na importante 'yon. Ang mahalaga maayos na ang lahat."

Ngumiti lamang ang binata at umiling. "Sa 'yo ko dapat unang sinabi ang lahat, hindi 'yong ikaw pa ang nahuli. Hindi ko binabalewala ang pamilya ko dahil kahit ano namang mangyari, pamilya ko pa rin sila. Pero pamilya rin kita, Alexa. At dapat bago tayo nagpunta ng Ariadne, sinabi ko na sa 'yo ang lahat. Ikaw ang makakasama ko habambuhay, baby, at ikaw dapat ang inuna kong sabihan. I'm sorry kung itinago ko sa 'yo ito."

Nauunawaan ni Alexa kung bakit ginawa iyon ni Helion. Kung anuman ang tunay na nangyari, alam niyang nahihirapan pa sa pagtanggap ito at marahil ay ikinahihiya rin ang sarili. Pero willing siyang makinig. Willing siyang harapin ang nakaraan kasama si Helion kung pahihintulutan siya nito.

"Wala naman 'yon sa 'kin, Helion."

May kung ilang saglit na tinitigan siya ng kaharap. Hinahaplos ang kanyang buhok at pisngi paminsan. Hindi niya mabasa kung ano'ng iniisip nito. Kalmado ang mga mata maging ang ekspresyon. Ni walang kahit na ano'ng katiting na senyales ng tensyon o kaba.

Ni hindi nga niya namalayang nagsisimula na pala itong magkuwento kung hindi lamang nabanggit ang pangalan ng tiyuhin.

"Kagaya ng lahat, hindi rin ako sigurado sa nangyari. Hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa isipan ng isang Kronos Knight noong mga panahong 'yon. Lahat ng alam ko ngayon, base lang sa nakikita ko't naririnig. Ang iba, hinulaan ko lang pagkatapos pagtagpi-tagpiin ang mga pangyayari.

"Middle child ang Uncle Kronos. Pero siya ang laging huli sa magkakapatid. Unwanted child siya. Born out of my grandmother's desire to tie my grandfather to him. You see, Alexa, hindi mahal ng Lolo ko ang Lola ko. Nagpakasal lang sila dahil kay Daddy, napilitang magsama dahil kay Uncle Kronos at naging civil sa isa't-isa dahil kay Uncle Raymond. Alam kong may hinanakit si Uncle Kronos kay Daddy. Hindi ko lang alam kung hanggang saan ang hinanakit na iyon."

Apparently, matayog. Dahil maski ikaw ay idinamay niya sa hinanakit na iyon.

"Noong bata ako, laging sinasabi ng Lolo na kamukhang-kamukha ko raw si Daddy. Pagkatapos ikukwento niyang kung hindi dahil kay Daddy, hindi sila magsasama ni Lola. Hindi rin daw mabubuo si Uncle Kronos. Hindi galit ang Lolo kay Daddy. Kapag ikinukwento niya 'yon sa amin, may kaunting bahid lang ng pagsisisi pero maski katiting na galit ay wala. Mahal niya kaming mga apo niya. Pero sa kasamaang palad, nagkaroon siya ng dementia.

"Noong araw na namatay ang Daddy, sabay dapat sila ni Uncle Kronos na aakyat sa Ilaya para bumisita kay Lolo. Nahuli ng saglit si Uncle dahil binilhan niya ng paboritong bulaklak si Aunt Celia. They love each other, you know? But I guess, when you really see things na hindi mo aakalaing makikita mo sa tanang buhay mo, magbabago pati ang nararamdaman mo kasabay ng pagbabago ng takbo ng utak mo."

Doon nagsimulang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib samantalang si Helion ay kalmado pa rin ang ekspresyon. Sinusundan ng daliri nito ang mga guhit sa kanyang palad, paminsa'y guguhit ng letra o 'di kaya'y mga bagay.

"A-Ano'ng..." tumikhim si Alexa, tinatanggal ang bikig sa kanyang lalamunan bago magpasyang magtanong muli. "Ano'ng nangyari?"

"Pagdating niya ro'n, nadatnan na niya marahil ang pagbubuno ng Lolo at ng Daddy. Tutulong sana siya pero nakuha ng Lolo ang revolver na nakatago sa silid ng Lola noong nabubuhay pa siya. Itinutok niya ang baril sa ulo ni Daddy, ipinutok. Pagkatapos, nagbaril siya sa bibig sa harapan ni Uncle."

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon