Kabanata XII

8.2K 158 11
                                    

KABANATA XII

SA UNANG araw ng semester break ni Alexa ay nagising siyang naka-empake na ang kanyang mga damit sa dulo ng kama. Samantalang si Helion ay abala sa pakikipag-usap sa telepono. Napakunot siya ng noo. Ano'ng nangyayari?

"Magkita tayo sa labas ng ospital mamaya. Thirty minutes lang naman kaming nando'n." Dinig niyang wika nito sa kung sino'ng nasa kabilang linya. "Hinihintay ko lang magising si Alexa then we'll go."

Ibinaba niya ang mga paa sa sahig, napangiwi nang maramdaman ang lamig ng tiles kung kaya't muli niyang itinaas iyon. Hindi sadyang napahawak siya sa tyan niyang bahagya nang maumbok. Nakakaramdam na siya ng gutom.

"Helion?" mahinang untag niya sa binata na agad lumingon nang marinig siya. "Gusto ko ng pancake."

"I'll call you later." Nagmamadali nitong paalam sa kausap bago lumapit sa kanya't lumuhod sa kanyang harapan. "Pancake? Hindi ka na nasusuka?"

Umiling siya. "Hindi na. Gusto ko ng pancake. May strawberry t'saka butter sa ibabaw. T'saka orange juice."

Kumunot ang noo ni Helion ngunit pinili nitong hindi na mag-komento sa isa na namang weird niyang kahilingan. Sa halip ay ginawaran siya nito ng halik sa labi at sa umbok ng kanyang tyan. "Good morning to you both." Pagkatapos ay nakangiting nag-angat ng tingin sa kanya. "Magpapahanda ako ng almusal. Maligo ka na muna ha?"

Tumango-tango siyang muli. "Okay."

She did her morning rituals habang nasa labas si Helion at nag-aasikaso. Hindi pa rin niya naitatanong kung para saan ang mga maletang nasa dulo ng kama. Siguro'y habang kumakain na lamang niya uusisain si Helion.

Paglabas niya ng en-suite ay nakalatag na sa coffee table ang mga ni-request niya. Pinakiramdaman niya ang sikmura, tinantya kung babaliktad iyon sa amoy ng pancake at ng orange juice. Nakahinga siya ng maluwag nang walang maramdaman. Tila nagla-lielow na rin naman ang kanyang morning sickness.

Pagkaupo niya sa silya'y eksaktong pumasok si Helion. Nakangiti itong tumabi sa kanya.

"Wala ka nang morning sickness?"

"Sa tingin ko wala na." nakangiti niyang pagbabalita at saka sumubo sa kanyang almusal. "Ang sabi rin kasi ng ob-gyne sa fourth month ko mawawala na 'yon, eh. Pero nag-aalala ako kay baby. Ang bagal niyang lumaki. Ang liit-liit pa rin ng tyan ko."

Although gusto naman din niya iyon dahil natatakot siyang hindi na niya makita ang kanyang paa sa tuwing naglalakad. Ganoon daw kasi ang mga buntis. Pero mas natatakot siyang hindi na lumaki pa ang tyan niya. Baka kasi hindi na rin lumaki ang baby nila ni Helion. At iyon ang naisatinig niya sa kaharap.

Napamaang siya nang tumawa ang binata. "Baby, imposible 'yon. At saka hindi ba sinabi na ng doktor na normal lang 'yan? Hindi naman daw nasusukat ang size ni baby sa bump mo. First time mo raw kasi kaya hindi madaling lumaki ang tyan mo."

Bumuntong hininga siya at nagkibit na lamang ng balikat. Minsan talaga'y nagiging paranoid na siya. Tama nga yata iyong mga sinasabi sa internet. Kalat-kalat ang utak ng mga buntis. Mabuti na lamang talaga at semester break na. Ayaw naman kasi niyang sa eskwelahan siya magkalat ng lagim.

Naalala niya ang mga maleta kanina. Nang lumingon siya sa kama'y wala na ang mga iyon doon. Napabaling siya kay Helion na ngayon ay marahang hinahaplos ang baby bump niya.

"Helion, para saan 'yong mga maleta kanina? Aalis ka ba?"

Nakita niya ang daglit na pagdaan ng tensyon sa ekspresyon ng mukha nito na ipinagtaka niya. Ngunit nabalewala iyon nang ngiting hinalikan siya ng binata sa pisngi bago sumagot. "Out of town tayo. Pero bago 'yon, kailangan nating dumaan sa ob-gyn mo para ma-clear ang pag-travel mo."

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon