Kabanata XVIII

7.1K 142 10
                                    

KABANATA XVIII

NAGTATAWANAN sina Alexa at Britanni sa kusina nang lumabas si Helion mula sa silid kinaumagahan. Napahinto ang binata nang mamataan ang dalawang magkabiyak. Maski si Anthony ay napatigil mula sa kalagitnaan ng pag-inom nito ng tsaa.

"Kuya..."

Sa halip na bumati ay nagdere-deretso lamang si Helion sa kanya, humalik sa kanyang labi bago magtungo sa kusina upang magtimpla ng inumin nito.

Tumingin siya kay Britanni na bumakas sa mukha ang lungkot. Ibinuka niya ang bibig at tahimik na humingi ng tawad. Tumango lamang babae at pilit na nginitian si Alexa.

"Sa kwarto lang ako, baby." Wika ni Helion na para ba'ng nagpapanggap na wala ang kapatid at kaibigan nito sa hapag. "Puntahan mo na lang ako kapag tapos ka na rito. Don't tax yourself too much 'mmkay?"

Nakangiting tumango si Alexa saka pinanood ang kasintahan na muling pumasok sa kanilang silid. Bumaling siya agad sa dalawa na naghahanda nang umalis. Ayaw niya pa sanang payagan pero gusto rin kasi niyang makausap si Helion.

"Britanni, pasensya na talaga. Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayari. Hindi ko alam na kayo ang sisisihin ni Helion do'n sa—"

"Alexa, ano ka ba." Agad na putol ni Britanni sa sinasabi niya. Umiling ito at hinawakan ang kanyang kamay. "No'ng ginawa ko 'yon alam ko nang magkakaganito. Pero hindi ko alam na magtatangka siyang mag-suicide. That's what gutted me. Iyon din ang nagko-contribute sa guilt ko. Kaya... kaya alagaan mo siya, Alexa. Hindi niya kakayaning mawala ka."

Sa loob-loob niya, alam niya 'yon. Dahil ganoon din naman ang nararamdaman niya para kay Helion. Hindi niya rin kakayanin kung iwan siya nito o kaya naman ay hiwalayan. Kaya't hindi na kailangan pang ipaalala ni Britanni iyon sa kanya. Masyado niyang mahal si Helion para hayaan itong mawala pa sa kanya.

"Hindi ko rin kakayaning mawala siya. Kaya quits lang kami." May himig pagbibiro niyang sagot na nagpatawa sa kaharap.

"Mabuti ka'ng tao, Alexa. Sana maging masaya kayo ng kuya ko. For real na sana this time."

Iyon din naman ang hiling niya. At alam niyang may awa naman ang Diyos. Naniniwala siya roon.

Matapos umalis nina Britanni at Anthony ay pinuntahan ni Alexa sa kanilang kwarto ang nobyo. Nadatnan niya itong umiinom ng kape sa coffee table at nakasandal ng komportable sa sofa. Mabuti na lamang at tapos na ang kanyang paglilihi. Kung hindi'y baka kanina pa siya nasuka sa amoy ng kape. Kaya nga't panay tsaa ang tinitimpla nila ni Helion sa umaga nang mga nakaraang buwan. Ngayon na nga lamang yata nagtimpla ang binata ng kape pagkatapos ng ilang linggong pagtitiis sa tsaa.

"Hey, baby."

Nakangiti siyang nagtungo sa nakabuka nitong mga bisig, naupo sa kandungan nito nang hilahin siya't pumosisyon pahilig sa dibdib ng binata. "Hi. Good morning."

"Good morning, mahal ko." Masuyong hinalikan ni Helion ang kanyang noo.

"Hindi ka galit sa 'kin?" maingat na tanong ni Alexa, may pag-aalinlangan pa rin sa ikinikilos nito.

"Hindi." Kunot-noong sagot ng binata. "Bakit ako magagalit sa 'yo? May ginawa ka na naman ba'ng ikagagalit ko?"

Tumingala siya, humalik sa labi ni Helion at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi pagkatapos. "Love na love kita. Pero minsan kasi talaga nakakayamot ka. Ayaw mo'ng makinig kasi sa 'kin, eh. Sina Britanni at Anthony. Wala naman silang kasalanan, Helion—"

Mabilis pa sa alas kwatrong nag-shutdown ang lahat ng ekspresyon ng binata. Naupo ito ng maayos kasama siya. Pagkaraan ay ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad saka siniil ng halik na nagpatibok ng napakabilis sa puso ni Alexa.

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon