THIRD POV
THE sunlight of daystar envelopes the whole realm, making the high mountains glitters. The wind blows like its autumn. The atmosphere is full of vitality.
A majestic carriage is leading to the kingdom of Aristle. A third rate kingdom in the Northen Zone of the Apirian Realm, in Trian.
Nasa loob nito ang dalawang tao na nakasuot ng magarang damit at mga alahas na ikinurba sa ginto at dilawan. Habang pinapaligiran ng hukbo ng mga kawal na nakasakay sa kabayo ang magarang kalesa.
Sa loob ay binuksan ni Aspiro ang bintana kayat pumasok ang hangin na dulot ng pag aaringkada ng kalesa.
Ramdam ng batang si Aspiro ang lamig ng hangin na yumayakap sa kaniya. Hinde niya mapigilan na pisilin ang kaniyang tenga sa kiliti na dala nito.
Ang mga mata ng bata ay nakatingin sa kulay berdeng kapatagan na kanilang binabaybay.
"Lo, bakit ngaba ngayon lamang nabuhay ang mga halaman?" sambit ni Aspiro sa kaniyang matandang kasama. Ngalan ay Aro at isang matandang alchemist. Sila ay nagmula sa Kingdom of Kashan kung saan nabibiling ang kanilang pamilya sa mga respetadong alchemy family ng buong Northen Zone.Ngunit ngayon sila ay patungo sa kaharian ng Aristle upang magturo ng alchemy sa mga wiccan na naninirahan sa kaharian na ito.
Tumingin si Tandang Aro kay Aspiro bago nilandas ang tingin sa labas. Makikita sa mga mata nito ang labis na pagka mangha.
"Nakasaad sa libro ng Kaalaman na ang continente na ito ay ginagabayan ng spirito. Ngunit sa hinde malamang dahilan ay sila ay naglaho. Kasabay nito ang pagbabago ng kalikasan sa nayon na ito," saad niya, batid sa boses ang pagkamangha habang nakasilay sa labas. Lalo na't pamilyar ang matanda sa kontinenting ito. Dito siya isinilang at nagkamulat ngunit lumaki sa ibang kontinente, na hindi sakop ng realm na ito.Hindi niya mapigilan ang pagkamangha dahil mula ng mamulat ay ang kinalakihang nayon ay iba sa kaniyang nakikita ngayon.
"Kung ga yun ba ay nagbalik muli ang spirito?"tanong ng batang Aspiro.
"Hinde ko masasagot iyan apo, sa pagkat kahit ako mismo ay gustong malaman ang dahilan, " Aniya sa kaniyang apo. Isa lamang siyang hamak na Grandmaster Alchemist, kilala man siya sa nayon na ito ngunit limitado ang kaniyang kaalaman sa mundo.
May itatanong pa sana ang batang aspiro ng tumigil ang karwahe. Kasabay nito ang pagkarinig nila ng mga sigawan sa labas.
Bagkus na magtanong ay lumbas ang batang Aspiro at sa kaniyang pag labas ay nabungaran niya ang isang pangyayari na hinde niya inaasahan.
Isang maliit na bayan ang tinutupok nang naglalagablab na apoy. Ang apoy ay kulay kahel na sadyang nakapagtataka. Habang makikita sa kaniyang pwesto ang ilang mga taong naka roba ng kulay kahel. Sila ay nakapalibot sa bayan habang naka taas ang isang kamay at bumibigkas ng mga salita.
" Pereat, moriturus, odio condensatur. Daemones oriuntur, "
Bawat kataga na lumalabas sa kanilang bibig ay nagbibigay lakas sa kulay kahel na apoy na tumutupok sa maliit na bayan.
Ang batang Aspiro ay naguguluhan sa mga nakita. Ngunit nang makita ang mga beastman na tinutupok ng apoy ay hindi nito mapigilan ang sarili na humakbang upang iligtas ang mga ito.
Mababa man kung ituring sa kanilang mundo ang mga beastman ngunit sila ay mabubuti at may busilak na puso. Sa katunayan ay may mga kaibigan siyang beastman. Dahilan kung bakit gusto niyang iligtas ang mga ito.
Ngunit bago pa siya maka habang ay hinigit siya ng kaniyang lolo. Batid sa mukha ng kaniyang lolo ang takot habang nakatingin sa mga taong naka robang kahel.
BINABASA MO ANG
FIRST TALE: Ali Treneo: The Last Necromancer [UNDER REVISION]
FantasyAli Montenegro knew to himself he isnt normal, bata palang naiiba na siya. Palaging agaw pansin kahit san magpunta. Ramdam niya din na tila may kulang sa buhay niya. Yet behind of many question and struggles to go fort living, he live normally ha...