Kiefer
The Squad are busy preparing for Isabella's 2nd Birthday. I can't believe she'll be two years old in a few weeks, time really do flies next thing we'll know may manliligaw na yan. Oh no! They'll have to pass thru me and Thirdy, Pauly and the rest of her Titos, which is the entire basketball team. Kawawang binata yun kapag nagkataon.
I don't really have to bribe Celina, Ate Den, Misha, Greta and Dani for organizing Issa's party because they love doing stuff like this but just the same I told them I'll shoulder their trip to Batanes after the party.
By the way I came back to playing, yun ang buhay ko bukod sa pamilya ko eh. I'm doing what I do best, para sa sarili ko, para sa pamilya, para sa Kanya, para sa team. Me and Mika's set up right now is a little more exciting. Hindi ako nanalo, sa condo pa din sila umuuwi ni Issa and I'd have to drive from Cainta to Taft once again, just like the old times. I'm not complaining though, maswerte na ako to be given the second chance.
...
"Are you going back to your house?" Asked my Mama, opportunity to. I said to myself, baka si Mama makumbinse si Mika na ibenta yung condo na yun.
"Ah, no po. Ayaw pa po ni Mika. Ma, convince mo nga di ba di na praktikal kung imemaintain pa yung condo? Ma di ba?" Parang bata akong nanghingi ng support kay Mama, what can I do? I'm desperate. Ayoko kayang humiwalay sa mag-ina ko.
"Naginarte nanaman. Ma, pakisabi nga jan sa maitim na yan na walang nanliligaw na nasa iisang bahay. Kailangan niya muna akong mapasagot." Tumingin si Mama kay Mika saka sa akin.
"Yun naman pala eh. Win her back muna ulit Manong." Tumabi ako kay Mama saka naglambing.
"Eh Ma... Wawa naman ako, walang magaalaga sakin." Natatawa na si Mika sa pinag-gagagawa ko but I continued acting. I puckered my lips even more, puppy face pa.
"Eh Ma nurse naman pala kailangan niyan eh. Hanapan natin." Mika added, wala talaga akong panalo dito eh. Bumitaw na ko kay Mama, no use talagang desidido si Mika na pahirapan ako.
"Okay fine. Sabi ko nga bebe ko dun tayo sa condo mo eh." I said in a rather bored tone.
"At sino may sabing doon ka matutulog aber?" Tinaasan pa ko ng kilay, may pamewang pa.
"Eh syempre mamimiss mo ko kaya-" "Haynako kayong dalawa, parang mga bata. Tignan niyo si Issa nakatingala sa inyong dalawa. Naguguluhan na." And true that pagtingin ko, nakahawak si Issa sa legs ni Nanay niya at nakatingala sa amin. Mukhang litong lito ang batang makulit.
"Nanatata!" Gigil na gigil niyang banggit, nagiipin kasi kaya laging gigil eh. Napakamot ulo na lang ako saka binuhat siya.
"Love you Issang." I kissed her round redish cheeks. Kakagigil talaga.
"Tara na b." I offered my other hand to Mika for her to hold it, tinignan niya yun at hindi naman ako pinahiya kinuha niya and I intertwined our fingers.
...
Game day ni Mika today, we're here at Cuneta Astrodome to support her. Si Issa hawak ni Dani, namiss na daw kasi nung huli ang alaga niya.
Nakaupo lang kami sa gilid cheering for her.
"Say go Nana!!" Dani's teaching Issa to cheer for her Nanay but Issa is just giggling non-stop. Tuwang tuwa ang bata kasi ang daming nakikita.
Pumalakpak ako when the game started at tinawag ang front liners, syempre kasama ang babe ko. Naririnig ko si Dani sumisigaw ng "Go Nana!"
"D-Nana!" Hiyaw ni Issa may talsik ng laway pa saka tawa ng tawa. Nilabas ko ang phone ko para ivideo siya na nagchecheer.
BINABASA MO ANG
Us Happened
Fanfiction"But if you close your eyes does it always feel like nothing changed at all?" It's a Pompeii kinda day. I just feel like listening to my song of the month. Everybody has their own interpretation of the song but for me this about a person, not movi...