Dani
Best in effort si Manong, sa pagiinarte.
"Ang sakit talaga." Manong whines, halata namang drama lang pero kinakagat naman ni Ate Mika. Nakita kong inilagay ni Ate ang isang braso ni Manong sa balikat niya at inakay ito. Pangiti-ngiti pa eh.
"Ah. Seryoso nga? Ano bang naisip mo bumaba ka magisa. Thirdy!" Eto namang si Ate Mika, sinabihan kong pahirapan si Manong pero kaunting arte lang bumibigay na. Gusto ko magkabalikan sila, pero gusto ko magtanda si Kuya para di na umulit.
Dumaan ako sa harapan nila. "Magaling! Magaling! Magaling!" I even immitated that famous line. Tinignan ako nung dalawa saka nilagpasan ko sila. Hirap na hirap si Ate kay Kuya pero tuwang tuwa naman yung isa.
"Issa come here baby, buhatin din kita. Halika dali bebe." I raised my arms for Issa who's busy playing in our supposed to be living room turned playroom for Issa. Tumawa muna nang pagka-kakyut yung pamangkin ko saka dahan dahang tumayo.
"Ang strong talaga ng bebe eh." We built little fences for her, yun ang ginagamit niyang kapitan para makatayo. And when she's finally up Isabella makes her little steps to me. Her adorable laughters fills the whole room.
"Got you!" I caught her before she falls. Binuhat ko siya agad saka kiniss sa pisngi niyang malaki.
"Hoy wag mo pang-gigilan yan!" Ang kuya kong asungot, umepal nanaman kinuha pa niya sa akin si Issa.
"Kuya Thirds! Wag mo kunin, naglalaro kami ni Issa eh." Maktol ko with matching stomping of the feet para complete package.
"Di laruan ang anak ko." Singit naman nung isa pang-asungot. "Nakakainis!" Out of frustration nagulo ko na lang ang buhok ko. Manong sat in the couch, with Ate Miks' help of course, Kuya Thirdy's playing with Issa, throwing her in the air.
The room is filled with Isabella laughters, kung iisipin parang walang problema. Sana wala na lang.
Thirdy
Ang laki ng improvements on Manong's grumpiness. Kung nung first week niya sa bahay after the injury di siya bumababa ng kwarto or umaalis man lang ng higaan ngayon kailangan pang pagalitan ni Mama para pumirmi.
Every morning before his injury nagjojogging yan, pero after that ayaw na niya. And so Mika thought of something to make him do some exercise.
Tuwing umaga, warm up na din para sa huli she and Issa will go out for a walk. Well si Mika lang yung prinsesa namin eh nasa karwahe niya, este stroller.
...
"Manong ayaw mo talaga maglakad lakad?" Tanong ko sa kanya, I'm off to some morning grind. Umiling siya, masungit as usual.
"Sayang. Seksi pa naman ni Miks. Ge, samahan ko na lang magjogging sa labas with Issa. Bye." Parinig ko, I know in an instant magbabago ang isip niya. Dahan dahan akong naglakad palabas and then I heard it.
"Thirds!" He called me, my mouth forms a grin. Sabi na eh. I said to myself.
"Hm?" I asked him, trying to act clueless.
"Ah. Baka pwedeng pasuyo nung sando ko saka nung running shoes. Parang maganda nga yung araw para magpapawis." Daming alam. Sinakyan ko na lang, kawawa naman eh.
...
May big improvement na din sa pagkain ni Manong tulad ngayon.
"Baby, you want pa?" Issa nods, Kuya looks so domesticated right now feeding Issa. Even making airplanes and such for our little princess.
"Buti talaga pumayag si Mika na dumito muna." Nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Mama. Inakbayan ko siya, we are ten steps away from the dining area kung saan kumakain si Manong at Issa.
BINABASA MO ANG
Us Happened
Fanfic"But if you close your eyes does it always feel like nothing changed at all?" It's a Pompeii kinda day. I just feel like listening to my song of the month. Everybody has their own interpretation of the song but for me this about a person, not movi...