Mika
He left, I was waiting for him to kiss me before he went off but he never did. Never did. Here we go again, it's like yesterday's mistakes are coming back for us. Hindi ba kami pwede maging masaya? And why the fuck am I so emotional?
"Mika hindi ka pa sure." A war is building inside me.
"Ano pang kailangan mo Mika? Ayan nanaman siya. Kapag nagawa ng isang beses gagawin ulit yan. Bakit kasi pinagbigyan mo pa! You just gave him another chance to break you and this time mahihirapan ka nang bawiin ang sarili mo!" A part of me is regretting giving him second shot to this.
Kung alam ko lang sana na gagawin niya nanaman to hindi na ko sumugal ulit. Sabi ko na eh, I should've not gave in. Kiefer.... why?
Si Father talaga may kasalanan eh.
"Love. Give an unconditional love like God's. Love without waiting for anything in return." Homily ni Father nung minsang nagsimba ako kasama si Issa. Ito yung mga panahong me and Kiefer's working out our relationship. Sabi pa ni Father, "Be forgiving, be patient." Naiiyak nanaman tuloy ako.
"Mahal kita dahil.. Walang dahil, dapat mahal mo kasi mahal mo. Tapos." He said.
As I curl up with my misery I heard our doorbell rung. Wala akong ineexpect na bisita, kanina din sinundo ni Mama Mozzy si Issa hindi ko nakuha kung saan nila dadalhin pero maganda na yun atleast hindi ako makikita ng anak ko na ganito. I didn't force myself anymore kung iiyak, umiyak. Eto na siguro yung katapusan.
Tamad na tamad akong tumayo sa higaan para tignan kung sino ang tao sa labas, pagkabukas ko ng gate tinalunan ako ni Nice at niyakap ako ni Tin, si Kim naman ngiting ngiti sakin. Lahat sila. My Lings. My absorbers.
"Hi ling!!!" Bati nila sakin, nung tinitigan ko silang masaya lalong ako napaiyak. What a messed up life I have. "Lings....." Atungal ko.
Kiefer
I drifted back to our house, hindi pwedeng tinotopak ang baby ko mauudlot ang surprise ko. Paano na ang twilight wedding namin? Tsk.
Hindi ko na inayos ang pagpapark ko, madaling madali ako. Bukas ang gate pagdating ko, nakakabig lang. Rinig na rinig ko si Mika. "Ang kapal ng nguso niya may pag-love you too pa siya doon sa babae niya. Hindi naman siya gwapo. Feeler siya!" Napaface palm ako. Bwisit, narinig niya nga. Tsk. Bebe q ko naman eh.
Pagpasok ko ng bahay andun sila Lings nakapalibot kay Mika na umiiyak. "Babe.." Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin, when she saw me nagbago ang expression niya. Binato ako ng unan. Buti na lang unan yung nahawakan hindi yung vase.
"Siraulo kang unggoy ka! Bumalik ka? Tapos ka na mambabae? Doon ka na lang. Doon ka sa mga babae mong hipon! Kapit sa make-up!" Binato niya ako ng box ng tissue na nakita niya. Shit buti na lang magaling ako sa saluhan. Hindi ko alam kung natatawa o naaawa sakin sila Nice eh.
"Babe naman, wala akong ibang babae. Si Pauly yung kausap ko kanina." Paliwanag ko.
"Aamin na ako." Tinignan niya ako, unti unti akong lumapit sa kanya habang dahan dahang umeexit sila Tin.
"We're plotting a surprise wedding for us. I want to renew our vows. Isang linggo lang yung preparations kaya sobrang hirap buti na lang anjan sila Pauly and Lings to help me out. Kaya sobrang busy ako. Babe please hear me out." I plead.
Mika
Habang pinapakinggan ko yung paliwanag niya tinutubuan ako ng hiya. Bakit naman kasi ang bilis magshift ng emotions ko? Yan tuloy.
Sinubsob ko ang mukha ko sa palad ko at lalong umiyak. Ang tanga tanga ko eh.
"Babe stop crying. Sige na ipopostpone ko na lang po." No. No! Tinignan ko siya with my swollen eyes.
BINABASA MO ANG
Us Happened
Fanfiction"But if you close your eyes does it always feel like nothing changed at all?" It's a Pompeii kinda day. I just feel like listening to my song of the month. Everybody has their own interpretation of the song but for me this about a person, not movi...