Mika
Today is Isabella's 2nd Birthday, nakakaiyak it seems like it was just yesterday when we celebrated her first birthday tapos ngayon 2nd na? Nalulungkot ako sa tuwing naalala ko na wala si Kiefer when she celebrated her first.
Dati rati she needs me to go to places, to do things for her pero ayun siya ngayon tumatakbo magisa. She's not even looking for me. Parang noon lang mawala lang ako sa paningin iiyak na yan. Struggle nga kapag may practice or game noon kasi long playing kami lagi sa iyakan pero ngayon pwede na iwan. Thankful na lang ako na nagmana sakin sa kasupladahan ang Issa hindi sama ng sama kahit kanino unlike his father na Mr. Congeniality, inaasar ko na nga kung may balak ba siyang magpulitiko para hiwalayan ko na siya. Ayoko ng magulong buhay kako, I remember laughing so damn hard when I saw his reaction pagkasabi ko ng maghahanda na ko for annulment. Takot lang ni Loko outside the kulambo pa nga siya eh.
"Mikole, si Issa baka madapa ah!" Sigaw ko. Nakakatakot pa din, feeling ko any moment madadapa ang anak ko and I want to be there para saluhin siya kaso alam ko naman na hindi parating andun ako o kami sa tabi niya. Madadapa at madadapa si Issa, pwedeng masugatan pero parte yun ng paglaki niya. Normal lang daw, ngayon naiintindihan ko na yung feeling ni Mama. Up until now pigil hininga pa din siya kapag on court at naglalaro ako takot na baka masaktan ako.
I guess a daughter/son might forget but mother's never. Kahit lumaki na tayong mga anak hindi mawawala sa kanila na mag-alala satin. Kasi anak nila tayo, kasi nanay sila.
Ang hirap pala. Yung magalusan lang yung anak mo parang gusto mo na ikulong lang sa tabi mo para di na ulit masaktan. Di mo nga mapadapuan sa lamok tapos magagalusan pa? Kainis ah.
"Nay you worry too much. Hayaan mo na si Issa nageenjoy naman siya." Naramdaman ko ang mga kamay ni Kiefer mula sa bewang ko payakap sakin. Tignan mo tong abusadong to, dinadaan nanaman ako sa mga ganyan niya. Buti na lang mapagbigay ako. My thoughts made me smile.
"Babe, kinakabahan na ko sayo. Ngumingiti ka magisa." And since he is hugging me from behind he has to extend his head to see my reaction. I faced him, our faced few inches away from each other. Sir gaano ka-close moment.
"Ewan sayo. Did you checked on your teammates? Nakakain na ba sila lahat?" Sinubukan kong humarap kay Kiefer pero hindi siya pumayag. Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.
"Ssh. Let's stay this way 5 minutes more." Sabi niya, hinayaan ko na lang gusto ko din naman. Tinignan na lang namin si Issa kasama sila Miko at Mikole naglalaro. Tawa ng tawa yung little princess namin.
"Ang bilis, sa susunod ieenroll na natin yan." I utter. Kiefer did not say anything, hinigpitan niya lang ang yakap sakin. He moved his arms, from my waist to my shoulders.
"Wag ka malungkot babe, gawa na lang tayo ng baby ulit kapag big girl na si Issa para di mo mamiss." Biro niya, tignan mo talaga tong lalaking to. Sinamaan ko siya ng tingin, he didn't look at me back though he's grinning.
"Ssh. Dun yung tingin lalo ka naiinlove sakin eh." Gamit ang isang kamay niya he shifted my gaze back to our daughter.
"Dami mong alam ah. Basta ikaw talaga manganganak." Akala ata niyo nakalimutan ko na yung hirap maglabor. Aba, not any time soon no. Tigilan niya ko. I rolled my eyes at him lalo lang akong tinawanan.
"Love you too babe. Love you too." He smug.
"Hoy birthday ni Issa hindi niyo date to!" A smile automatically formed on my lips, I know that voice. Kumalas ako kay Kiefer at tumakbo sa mga Lings ko.
"My lingsssss!!!" Parang ang tagal namin di nagkita kasi naman busy nila sa careers nila. Nice just started her own ballet school, si Tin ayun party girl pa din but this time she used that and established her own bar actually I'm one of her partners. Siya lahat, nag-invest lang ako. Si Kim naman palibhasa rich kid from Cebu, ginagawang Taft - Katipunan ang Cebu pabalik balik dito because of their family business.
BINABASA MO ANG
Us Happened
Fanfiction"But if you close your eyes does it always feel like nothing changed at all?" It's a Pompeii kinda day. I just feel like listening to my song of the month. Everybody has their own interpretation of the song but for me this about a person, not movi...