UIIWMBF 21 The Start

141 8 0
                                    

Copyright © eYinYang|2015

All rights reserve 2015

-

Past lunch na mung napagisipan naming umuwi.

Actually, ayaw pa nga kaming pauwiin nila tita eh. Pero syempre, hindi naman pwede. Nalaman din kasi nilang madaling araw yung flight ko, so ayun, di na kami napilit, para makapagpahinga naman daw ako, malamang daw kasi na di ako makakapagpahinga ng ayos sa plane gawa ng ilang oras nga naman akong nakaupo. Nangako naman sila mama na babalik.

"Ano? Tutuloy ba tayo sa plano natin kahapon?" Tanong ni papa.

"Sige po pa!" Pagsangayon ni Rosalie.

"Wag na please? Or, kayo na lang." Sabi ko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nila.

"Pagod po ako. Di po ako nakapagpahinga at nakatulog ng maayos kala tita. Tsaka may lakad pa po ako mamaya." sagot ko naman.

"Kung gusto niyo, kayo na lang. Magcocommute na lang ako pauwi." Dugtong ko pa.

Tinignan lang nila ako ng maigi tapos parang tinatantya yung magiging desisyon nila.

Si Rosalie na yung bumasag sa katahimikan.

"Sa susunod na lang po tayo mamasyal, pa. Baka di po makauwi si ate sa ganyang sitwasyon niya. Mukha na pong zombie si ate eh." sabi ni Rosalie.

Walanjo talaga tong batang to eh. Nanlait pa -___-

Well, totoo naman din kasi.

Di ako nakatulog ng ayos kagabi. Actually umaga na nga kami natulog eh.

Though, enjoy naman. Mamimiss ko yung mga bruha kong pinsan :(

Kahit ganto pala kami, marami din kaming pinagkakapareho, gaya na lang nung limang example na sinabi ko sa kanila. Yung, una, magaganda kami. Pangalawa, we have this great voices. Pangatlo, halos pare pareho kaming tagilid sa usapang pagibig. Pangapat, Matatalino kami. Panglima, magaganda kami.

Life. Ang unfair talaga :( sabagay. Tsk.

Naisip ko na naman yung mga posibleng mangyari mamaya.

Sa sobrang pagiisip. Diko namalayan na nakauwi na pala kami sa bahay.

Kung nagtataka kayo, may extra clothes kami sa kotse..

Kadalasan kasi, pagganitong magkakasama kaming lumalabas nauuwi sa outing, kaya ayun, si mama, naglagay ng bag dito na may clothes namin para if ever nga naman, prepared kami. May pajamas, dresses, swimsuits and everything na alam naming kakailanganin namin. Gaya na nga lang nung kahapon, biglaang di kami umuwi. Good thing na prepared na right?

Usapang clothes, pagkababa namin ng kotse, sinamsam ko na yung mga damit ko dito, aayusin ko na din kasi yung mga gamit ko at yung mga dadalin ko. Nung maseparate ko yung mga dadalhin ko, sa mga iiwan ko, tinupi ko na yung mga damit ko then nilagay sa maleta ko yung mga dadalhin ko, tapos binalik ko naman sa closet ko yung mga hindi. Ang cutie nga nung maleta ko eh.

Inayos ko na din yung for tonight. Yung binili namin ni Jas yung susuotin ko mamaya pagnagkita kami ni Rion, baka kasi makauwi ako ng bahay, saktong ihahatid na nila ako. Baka kasi madaling araw na ako makauwi. Knowing Rion, pagganito, malamang malate yun. Kasi di nga daw siya sure. Pero alam kong pupunta yun. Tsaka para di rin sayang sa oras at gaya ng pinangako ko kay Jas na yun nga yung isusuot ko pagFlight ko.

It's already 2:30 nang matapos ako sa pagaayos ng bagahe ko, kaya I decided na maligo muna then umidlip ako para maaliwalas yung pakiramdam ko pagnatulog ako.

Unluckily, I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon