UIIWMBF 9 Agreed?

184 6 0
                                    

Copyright © eYinYang|2015

All rights reserve 2015

---------

Pagpasok ko, nakita ko si mama at papa na nakaupo sa sofa namin sa sala.

Lumapit ako sa kanila at nagmano.

"Oh, pa, andito ka po pala?" Sabi ko.

"Oo, ahmm, Rhica, pwede bang umupo ka muna? May sasabihin lang ako sa iyo." Sabi ni papa.

At dahil masunurin akong bata, umupo naman ako.

"Ano po yun pa?" Nagtatakang tanong ko.

"Anak, magtatayo kami ng bagong business nila tito Michael mo." Sabi ni papa.

Si tito Michael, siya yung father ni Rion. Nagtayo na sila ng small business noon, well, big business na siya ngayon.

Oh, tama na tayo dyan sa business thingy na yan.

"Well, that's good pa!" nakangiting sabi ko.

"I know." Nakangiting sabi ni papa.

"I have another news for you." Seryoso nang sabi niya.

"Ano po yun?" tanong ko ulit.

"Diba kakarenew mo lang nung passport mo?" Sabi ni papa.

"Opo. Bakit po pa?" Nagtatakang tanong ko.

"E kasi, ipapadala na ni mama yung ticket mo. Naipabook na, kukunin na lang, then ipapadala." Sabi ni papa.

"Ticket po para saan?" Nagtataka pa ding sabi ko.

"Pinapapunta ka ng lola mo sa Chicago hindi ba?" Sabat ni mama

"Opo, pero hindi po ba three months from now pa po yun?" Nagtatakang sabi ko.

"Hindi na be, ahmm, two weeks from now na yung scheduled flight mo papunta dun. Bale next next friday na." Sabi ni papa.

"Po? Parang ang bilis naman po." Gulat na sabi ko.

"Yun nga eh, kahit kami ng mama mo nagulat." Sabi ni papa.

"Ang sabi din kasi ng lola mo is, nagustuhan ka daw kumare niya, si Auntie Amy, do you remember her? So ayun nga, auntie asked her kung pwede ka daw ihire as soon as possible. Kaya din siguro napaaga." Explain ni mama.

"Opo, tanda ko po siya." Sabi ko.

"Ok lang ba sa iyo?" Tanong ni papa.

"Ok lang naman po, pero pwede po bang pag isipan ko muna? Pagod na din po kasi ako, magpapahinga muna po ako." Sabi ko sa kanila.

"Sige anak." Sabi ni papa.

Umakyat muna ako sa kwarto ko. Naligo at nagpalit ng damit then humiga na ako sa kama ko.

Saka nagisip isip.

Ughh, signs! Nagbibigay sila ng signs and opportunities.

They're giving me signs para itigil na yung kahibangan ko kay Rion. And well, opportunities.

The first one is yung pagpayag niyang ligawan ako ni Rudy, the second one is yung pag sagot sa kanya ni Aileen, and this is the third one. Gosh! Tama na siguro to noh? Maybe, this is the final straw.

Tapos yung opportunities, makakapagtrabaho na ako sa ibang bansa, mapupuntahan ko si mommy, tapos makakapagmove on pa ako. *Mommy tawag naming sa lola namin. Pampabata daw.*

Ugh! Naffrustrate na ako! Ang hirap magdecide.

Sayang naman kasi yung ticket kapag di ako tumuloy dun, e ganun din naman, pupunta din ako dun, after three months.

Unluckily, I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon