Unluckily, I'm inlove with my best friend 12

187 6 0
                                    

Copyright © eYinYang|2015

All rights reserve 2015

-----

"Guys, punta tayo sa The Secoustic." Aya ko sa kanila.

"Oo nga. Maiba naman." Pagsang ayon naman ni Shelley habang tatango tango pa.

"Sige." Pagsangayon nung iba.

Si Rudy, nagpaiwan muna, susunod na lang daw siya.

Dumiretso na kami sa the Secoustic. Maganda dito, peaceful yung ambiance. Matatapos na yung singer sa pagkanta. Dalawa sila, isang lalaki, isang babae.

Umorder na kami.

"Hi, guys, Good Evening. At dahil special tong gabi na to. Kukuha kami ng isang tao sa audience para makijamming sa amin. We'll pick ramdomly, para masaya. Ipaubaya na natin sa spotlight. Drum roll please." Sabi nung babaeng singer after nila matapos sa pagkanta.

May nagdrum roll naman, tapos nagpaikot ikot na yung spot light.

Dumating na yung order namin.

Napagdiskitahan ko yung nachos. Yun yung kinain ko. Mayamaya, napansin ko silang nakatingin sa akin.

Jeez, oo, alam kong maganda ako, pero pwede ba, pahinga naman. Tunaw na tunaw na ako eh.

Teka, napansin ba nilang ang lakas kong lumamon?

MY GOOSSHHH!!! Nakakahiyaaa!!

Nahiya naman ako kasi, akmang isusubo ko yung nachos, pero nakatingin pa din sila sa akin kaya binalik ko na lang, then medyo nilayo ko yung plato sa akin.

Sayang, ang sarap pa naman.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko kasi di nila ako nilubayan ng tingin.

"Tawag ka sa harap." Bulong sa akin ni Rion baby.

"Ha? Bakit?" Nagtatakang sabi ko sabay tingin sa stage.

Nakangiti naman yung babaeng singer.

"Kakanta ka daw by." Sabi ni Rion.

Wala to sa plano. And I guess, tinutulungan na ako ni destiny?

So maybe, this is also a sign na kelangan ko na talagang gawin to?

Pero I'm scared! Ugh, mamaya na tayo magtalo brainy, okay?

Napabuntong hininga ako then headed to the stage.

Inabot sa akin nung lalaking singer yung mic.

"Hi! My name is Rain." Nakangiting sabi nung lalaking singer then nilahad niya yung palad niya.

"Shems! Pwede ka nang pumalit kay Rain para sa commercial ng clear." Nakangiting sabi ko.

"Oo, korek ka dyan, ewan ko ba dyan kay bespren, walang confidence kaya ayan, nagrereflect sa kanya." Sabi nung babaeng singer.

Nginitian ko lang siya, saka ko napansin na nakalahad pa din pala yung kamay ni Rain.

Nginitian niya lang ako, "I'm Rhica." Nakangiting pagpapakilala ko sabay tanggap ng kamay niya at nakipagshake hands.

"Hi! Ms. Rhica, I'm Nikki, Rain's bestfriend and co-singer!" Nakangiting sabi nung babaeng singer.

Nginitian ko lang siya.

"Mayroon po tayong onting Q&A portion." Sabi sa akin ni Nikki.

"Go, push!" Nakangiting sabi ko.

"Okay, ako muna. Sino pong mga kasama niyo?" Tanong ni Nikki.

"My girlfriends si Shelley and Chloe, My cousin Josh na boyfie ni Shelley, boyfie ni Chloe, Rudy and of course my best friend Rion." Nakangiting sabi ko.

Unluckily, I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon