UIIWMBF 26 Clinic

151 5 0
                                    

Copyright © eYinYang|2015


All rights reserve 2015


--


Nagising ako dahil sa uhaw.


Kulay puti yung paligid ko.


Teka, nasan ako?


Lumingon lingon ako. Unfamiliar yung place. Is this a dream? Nun ko lang napansin na may dextrose na nakalagay sa braso ko.


Pinili kong humiga muna ulit. Inalala ko yung mga nangyari.


Maya maya may narinig akong bumukas at sumara kaya humarap ako kung san nanggaling yung tunog. Mukhang may pumasok sa pinto, hanggang sa nakita ko si Bryle, napangiti ako.


"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanya.


"Thank God you're already awake." Sabi niya.


"Why? What happened?" Nagtatakang tanong ko.


"You slept 3 days straight." Sabi niya tapos ngumiti pero mapapansin mong malungkot siya.


"Diba dapat sanay ka na? You're a doctor. Natural na yun." Sabi ko.


"Yes I am. Sanay na ako. First time ko lang kasi naexpirience na sa someone close to me nangyari yun." Nandidilat na sabi niya.


Natawa ako.


"Oh, di na ako magtataka." Sabi ko sa kanya.


Kumunot yung noo niya. "Why? You already know?" Tanong niya sa akin.


"Yes." Sagot ko sa kanya.


"E bakit wala yung gamot mo?! Wala akong nakitang gamot mo sa bag mo.


Tsaka alam mo naman palang may sakit ka, bakit bumabyahe kang magisa?!" Sermon niya sa akin.


Nagtaka ako sa mga sinasabi niya. Naaaning na ba itong poging beki na itey?!


"Teka, teka, anong sinasabi mo dyan? Anong gamot? Why do I need meds? Saka anong sakit? Wala akong sakit noh! Tsaka kaya nga ako bumyahe magisa para makapagvacation at mawala ang stress ko." Sabi ko sa kanya.


"Wait, bakit- I mean, ano- teka. Can you please explain?" Sabi niya na mukhang naguguluhan na nga.


"Alam mo, ikaw naturingang doktor at matalino. Tsk Tsk." Sabi ko ng pailing iling pa.


"Nagtataka ako sayo, kelangan bang imaintenance ang stresstab? Stress lang to be, hindi naman siguro ako mamamatay sa stress. Wala na rin kasi akong pahinga, over worked, over thinking and everything. Migraine lang ang natriger ng stress ko. Namiss siguro ng katawan ko yung pahinga kaya nilubos lubos na. Kasi alam niyang matatagalan na bago maulit." Naka sly smile na sabi ko sa kanya.

Unluckily, I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon