Unluckily I'm inlove with my best friend 14

166 6 1
                                    

Copyright © eYinYang|2015

All rights reserve 2015

---------

Napatingin ako sa wall clock ko. Gosh! 10am na pala! Kelangan ko nang kumilos.

Dali daling inayos ko yung mga gamit ko, tapos nilabas ko na yung isusuot ko.

Black Vneck shirt lang tsaka white shorts yung susuotin ko, then yung chucks.

Naligo na ako, then bumaba na para kumain after kong magbihis.

"May lakad ka nak?" Tanong ni mama.

"Opo ma, lulubusin ko na po yung natitira kong araw dito." Nakangiting sabi ko.

"Ahh, osiya, kumain ka na. Sino nga pala kasama mo?" Tanong ni mama.

"Yung apat po." Sagot ko naman.

"Alam na ba nila? Hindi ko sila napansin nung padespidida mo ah? Pati si Rion." Tanong ulit ni mama.

"Hindi pa po. Hindi ko pa po nababanggit sa kanila. Mamaya ko pa po sana sasabihin eh." Sabi ko kay mama.

"Ay, ganun ba? O siya sige, kumain ka na. Ligpitin mo na yung natitirang hugasin ha? Aalis muna kami ni Rosalie." Sabi ni mama.

"Ok po." Magalang na sabi ko.

Kumain naman na ako then nagligpit na after nun.

Nanuod muna ako ng TV habang iniintay sila. Di naman saktong 11 dadating yung mga yun eh.

"We wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas, and a happy new year! Namamasko po!" Napangiti ako nang marinig ko ang mga sintunadong boses ng mga nakanta sa labas.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Sabi na eh, late tong mga to. Laso himala, 10 mins lang silang late.

"Namamasko po!" Ulit nila.

"Sa pasko na!" Sigaw ko naman, then ini-off na yung TV.

"Wala pang october nangangaroling na kayo! Aba'y, di naman kayo excited ano?" Natatawang dugtong ko. Then sinamsam ko na yung mga gamit ko, tapos nagsuot ng sapatos.

"Thank you! Thank you! Ang kukuripot niyo, thank you!" Sintunadong pagkanta ulit nila.

Natatawang lumabas na ako.

"Mga baliw." Natatawang sabi ko,

Tumigil ako sandali. Nagtatakang napatingin sila sa akin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Roxy.

"May nakalimutan ako." Seryosong sabi ko.

"Ano naman?" Nagtakang sabi din ni Jenovah.

"Nakalimutan kong tumawag sa mental at ipadampot yung mga baliw sa tapat ng bahay namin." Nakangiting sabi ko.

"Sus, akala ko naman, nakalimutan mong magsuot nang underwear!" Natatawang sabi ni Chloe.

"Tange, kasama kang dadamputin." Natatawang sabi ni Shelley nang maabsorb niya yung sinabi ko.

"Ay? Kasama pala ako dun?" Painosenteng sabi ko.

"Malamang! Ikaw founder at leader ng grupo eh!" Natatawang sabi ni Roxy.

"Oy, hinde ah! Tagagatong at taga sulsol lang ako!" Pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Sos," natatawang sabi ni Shelley.

"Teka, kala ko ba dadaanan ka namin?" Tanong ko sa kanya.

"Eh mga tamad magdala ng kotse yang mga kasama ko eh! No choice! Pinuntahan naman nila ako." Pageexplain niya.

Unluckily, I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon