UIIWMBF 24 Years Later

183 7 0
                                    

Copyright © eYinYang|2015

All rights reserve 2015

---

Nakakainis.

At First, Ang hirap magadjust dito. Sobrang lamig -__-,

At sa sobrang hirap magadjust dito. Mas napapadalas kong nararamdaman yung pagkahilo ko -__-,

Tapos, lagi pa akong nagnonose bleed. Grabe! Di naman sa di ko naiintindihan yung language nila! Ewan ko ba, siguro masyado lang akong sanay sa klima sa bansa namin.

Nabubugnot din ako. Ang putla masyado ng kulay ko, nagiging pasain pa ako!

Hindi kaya nakulam ako? O_O

Lol. Kung ano ano na naman naiisip ko.

Matagal na rin ako dito. Time flies so fast nga naman.

Nagttrabaho ako as an Architect sa isang architectural firm ng friend ni mommy. Malaki naman ang sahod. Kaso nakakahome sick -__-

I miss them soo much! Friends. Family. Chat Chat lang kami, or emails. No skype or anything. Dineactivate ko din yung facebook ko. Yung twitter ko naman, super close friends lang ang nakakaalam. Nakaprivate pa. Yung old acct ko sa twitter, dineactive ko din muna.

This past few weeks, pinapauwi na ako sa Philippines ni papa for some unknown reason, pero sabi ko, give me more time.

Pero okaay din, move on ang peg ko ngayon:) papasok ako sa trabaho, papagudin ko yung sarili ko, para pagdating ko sa bahay, di ko siya gaano maiisip, dahil matutulog na lang ako sa sobrang pagod!

Ganun ang nangyayari kaya madalang din kaming makapagchat ng family and friends.

Dapat di ko talaga day off today, kaso pinipilit na ako ng boss ko dahil overworked na daw ako. Sabagay, sa 2 years ko kasing nagwowork dito, Mabibilang mo lang sa daliri yung day off ko. Tapos Hindi din kasi ako nagooff at pagnangyayari naman yun sapilitan kaya pag ganun sa library lang ako ni mommy, dun mo ako mahahanap at makikita mo akong nagawa pa din ng plates. Lalabas lang ng kwarto pagnagugutom na. Then after kumain, balik na sa ginagawa.

Well, Nakikipagdate din naman ako. Kaso sa isang guy lang. Si Clinton. My boss. Godson siya ni mommy.

Actually, nakaleave ako ngayon, di pala yun dayoff. One month leave ang right term..

Di ko nga alam kung paano ko gugugulin yun.

Ayy! Ewan! Makapagsalon na nga lang! Kesa masira beauty ko sa kakaisip sa mga happenings nowadays!

Nakakainis yung last day ko sa pinas eh. Nakakaiyak pag naaalala ko yun. So let's not talk about it for now.

Napagpasyahan kong pumuntang mall. Magpapasalon nga ako, magrerelax at unwind kahit papaano. Matagal ko na ding hindi nagagawa yun eh.

Wala si mommy eh, nasa mga amiga niya. Wala tuloy akong kasama. Magisa na naman ako, okay lang. Sanay naman na akong magisa.

Shoot! Ang drama ko.

After kong magsalon,

Tinamad na ako so umuwi na din ako.

Nagiisip pa din ako kung pano ko gagawing worth it yung one month leave ko.

Nakahiga ako sa kwarto ko ng maisipan kong gumala, napangiti ako sa naisip ko.

Pumunta ako sa cabinet ko then kinuha yung small box ko dun then hinanap yung piece of paper na alam kong makakasagot sa kaburyohan ko.

Unluckily, I'm Inlove with my BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon