Chapter 50 * Cousins *

107 1 0
                                    

Mia's POV

Ngayon ang araw ng libing ni Patrick kaya nandito lahat ng nagmamahal sa kanya, ang family niya at si Kim Audrey na ngayon ay napatawad na namin. Humingi siya ng tawad sa lahat ng nangyari at pinagsisihan daw niya yun.


" Siya ang nagdugtong ng buhay ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa niya. Kahit na sinaktan niya ako minsan ay napatawad ko na siya " sabi ko

" At ang huli niyang sinabi bago siya nawala ay ang pangalan mo. Mahal na mahal ka talaga ni Patrick " Phoebe

Niyakap ko naman siya habang patuloy na bumabagsak ang mga luha namin.


——————————————

Naghahanda na ako ngayon dahil reunion na ng buong angkan namin. Christmas ngayon at the same time reunion din.

Pumunta na agad ako sa venue dahil maya maya pa ay magsisimula na.

Nakita ko naman sina Riz, Joy, Zai at Mae na nandito din sa venue. Wow may tugtog ba sila?

" Hi guys! Nice to see you again! Nasan na sina Ryan at Jayson? May tugtog ba kayo? " bati ko

" Huh? Ah e kasi.. " Riz

" Hi Mia! Wow red na red ka ah! " pagputol ni Kim Audrey sa usapan namin

Wait. Bakit ba sila nandito e reunion namin ito?

" Mia kasi ano ngayon lang namin nalaman... " Mae

" Magpipinsan kayo diba! I know right " Kim Audrey

" Ah e oo. Ngayon lang din namin nalaman gawa ng mga parents namin. Magkakapatid pala sila sa tatay " Joy

" Oo nga nagulat nga din kami ni Joy kanina kasi nandito si Mae at Riz " Zai

Nagulat ako sa mga nakinig ko. So ibig sabihin nito magpipinsan kami?

" Marami daw naging babae ang pinakang lolo natin kaya madaming naging anak at tayo ang apo ni lolo sa iba't ibang babae " Kim Audrey

Huh?! Pinsan ko din si Kim Audrey?

" Yes, I'm your cousin too! " masayang sabi ni Kim Audrey

Hindi nalang ako makapaniwala sa nangyayari.

Ang kaaway ko dati ay kamag-anak ko pala? Weird.

" Magkakadugo lang tayong lahat. At dahil dyan, isang group hug! " Mae

Naggroup hug naman kami at masaya akong mga pinsan ko pala sila.

" Actually si Jayson at Ryan nga magkapatid pala yun sa nanay " Joy

" Omg. Magkakamag-anak ang Stolen Shot? Grabe! Ang galing " sabi ko


Hindi talaga ako makapaniwala. All this time magkakamag-anak pala kami ng hindi namin alam? Shocks.

Nagstart na ang reunion namin at masaya naman kaming nagcelebrate dahil Christmas. Gabi na din nang matapos ang reunion kaya nag-uwian na din kami


" Bukas na nga pala ang kasal ni Phoebe at Ranz! Punta kayo guys ha! " sabi ko

" Sure pupunta kami " Mae

Nagkanya kanya na kami at umuwi na din. Pagkadating ko sa bahay nakita ko si Phoebe.

" Bes may surprise ako sayo " Phoebe

Surprise?

" Teneeeeen!! " at lumabas naman sa pinto si Abby

Namiss ko siya grabe. Niyakap ko siya at napaiyak ako dahil ang tagal naming hindi nagkita

" So Mia kamusta ka na? Namiss kita bes! " Abby

" Heto wala pa ding lovelife " sagot ko

" Pareho tayo! Hahaha forever single na yata tayo "

" Mahahanap nyo din ang para sa inyo. Tiwala lang guys " Phoebe


Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kasal ni Phoebe bukas

" Excited na talaga ako bukas mga bes! Matagal ko itong hinintay " sabi ni Phoebe na nagtatatalon pa

Para pa din siyang bata.

" Basta kami ang ninang ni Abby sa baby niyo ha " sabi ko

" Excited lang bes? Hindi pa nga kasal anak agad iniisip mo? Hahaha pero sige kayo ang kukunin kong ninang "

Dito na natulog si Abby sa bahay at kinwento ko na din sa kanila yung nangyari kanina sa reunion. As expected, nagulat din sila.

Marami pa kaming pinagkwentuhan kaya naman hatinggabi na kaming nakatulog.

Iniisip ko pa din si Patrick, siguro kung hindi siya namatay siguro ikakasal na din kami. Napaluha ako dahil naiisip ko kung paano niya ako hinabol tapos lagi ko siyang pinagtatabuyan. Nagsisisi akong pinakawalan ko pa siya. Ngayon ko narealize na sobrang meaningful ni Patrick sa buhay ko, hindi dahil isinakripisyo niya ang buhay niya sa akin kundi dahil narealize ko kung paano niya ako mahalin ng totoo. Sa kabila ng mga ginawa ko sa kanya, mahal pa din niya ako.

" Iniisip mo siya " Abby

" Oo nga nakakalungkot din pala "

" Itulog mo na lang yan bes, maagap pa tayo bukas para sa kasal ni Phoebe. Bukas mo na isipin yan "

Tama si Abby. Kailangan ko ng matulog at wag na munang isipin si Patrick.


" Sige bes tulog na tayo. Good Night " Abby

" Good Night "

Till Death Do Us Part (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon