Chapter 47 * The Revenge (2nd part) *

76 3 0
                                    

Mia's POV

Natakot ako nung sinabi ni Kim na may mga kasunod pa daw yung pagganti niya.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit kailangan niya itong gawin sa akin.
Napakabig deal sa kanya pagdating kay Patrick

Kasalukuyan naman akong nandito sa kwarto naming mga girls at pinapakalma nila ako sa nangyari.

Pagkatapos kasi akong bulungan ni Kim kanina ay umalis na din sila
Pero alam kong kahit umalis man sila kanina alam kong nandyan pa din sila sa paligid ko

Nagplano na naman kaming umuwi bukas para na din maging safe ako

" Bes pano kapag nasundan ka pa ni Kim? Na...natatakot na ko " sabi ni Phoebe na medyo nanginginig pa

" Wag ka mag-alala. Di naman nila tayo papabayaan diba? " sabay tingin ko kina Manager

Tumango naman sila kaya medyo nakalma na din kami.

Para ngang nagsisi ako kasi sumama pa ko sa dito kasi kung di ako sumama eh di sana hindi pumunta dito si Kim at hindi nangyari yun. Mas matagal pa siguro nilang makakasama sina Riz at Joy.

Nag-iimpake na kasi kami ngayon dahil paalis na nga kami bukas.

" Sorry talaga sa inyo ha. Kung di dahil sakin---- "

" Ssshhh. Wag mo sisihin ang sarili mo Mia. Magkakaibigan tayo at dadamayan ka namin sa kahit anong problema mo " sabi ni Manager

Umalis na kami sa resort at nagbyahe na pauwi.

Nang makauwi na kami humiwalay na kami sa kanila ni Phoebe at umuwi na ng bahay.

Pagkadating namin sa bahay, nahiga agad kami ni Phoebe.

" Haaay. Ang daming nangyari ngayong araw na 'to. Nakakapagod. At the same time nakakatakot " -Phoebe

" Kaya nga. Tayo pa lang naman dalawa dito kaya mas lalong nakakatakot " 

" Matulog na lang tayo para di na tayo matakot. Hahaha " 

" O sige. Good night! "

" Good night! "

Natulog na si Phoebe at ako..naiwang tulala dito.

Iniisip ko pa din talaga ang mga nangyari. Ibig sabihin kampi sa amin sina Ian at Shannen? 

Kung gayon, pwede ko silang maging katulong sa paglaban kay Kim. 

Bestfriend naman ni Abby si Ian eh. Wait speaking of Abby...ang tagal na nyang hindi nagpaparamdam. Nakakamiss din ang babaeng yun.

Tinext ko muna sya at tinanong kung nasan. Agad naman syang nagreply at sabi nya nasa labas daw sya ng bahay namin. Nagulat ako sa sagot nya at agad akong bumaba para pagbuksan sya ng pinto.

Sakto! Andito nga sya. Napakatiming talaga nitong babaeng 'to. 

" Hi bestfriend! Namiss kita! " sabi niya sabay yakap sakin

" Namiss din kita! Tagal na nating di nagkita ah! " sabi ko at inakit sya paloob ng bahay

Till Death Do Us Part (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon