Chapter 29 * Family Bonding *

170 42 2
                                    

Abby's POV

Abalang abala kami ngayon dahil sabi sakin ng body guard ko ay nandyan na daw si Cassandra

Pero hindi kami magsisimula hanggat wala pa ang mga kaibigan niya from province.

8:30pm

Makalipas ang dalawang oras ay wala pa din sila.

Kaya tinawagan ko na ang driver nila at sinabing bilisan.

Malapit na naman daw mga 45 minutes pa.

Naghintay naman kami dito at kinig na kinig pa din ang sounds na parang dinedemolish.

Yun kasi ang sabi ko sa body guard ko para hindi mapapunta agad dito si Cassandra tapos siya na ang bahalang magpalusot.

Kaya naman naglabas ako ng speaker at pinatunog na parang nagdedemolish talaga.

Nakahanda na ang mga pagkain dito sa likod ng bahay ni Cassandra.

May vacant lot kasi dito na sementado kaya dito na namin ginanap ang party.

9:30pm

Maya maya ay nagtawag sakin si Steffy na nandito na daw sila at nakita daw sila ni Cassandra.

Si Steffy ay bakla kaya madaling makaclose. Close agad kami ^.^

Haha.

Nataranta naman ako.

" Tita! Tita! Andyan na daw po sina Steffy at nakita daw po sila ni Cassandra. Maghanda na po tayo kasi siguradong pupunta na yun dito " sabi ko

" Osige. Maghanda ka na din Phoebe. Parating na si Mia " sabi ni Phoebe  na nakaupo lang sa isang tabi

Nakita ko naman na tumayo si Phoebe at pumasok sa loob ng bahay.

Tinext ko na si Steffy at sinabing pumasok na.

Mia's POV

" Hi friend! I miss you so much! " sabi sakin ni Steffy

Totoo nga. Si Steffy nga yung nakita ko kanina sa van..

Pinahid ko muna yung luha ko at pinilit ko na ngumiti.

" I miss you too friend! Napadalaw ka? " tanong ko

" Syempre bday mo kaya! " sabi niya na medyo mataray

Hahaha nakakatawa talaga ang baklang to.

Nakita ko naman na ang daming bumaba sa van

" Waaaa! Mia!! " sabay sabay nilang sabi

Ang mga kabarkada ko sa probinsya :)

Lumapit sila sakin at naggroup hug

" Guys namiss ko kayo sobra! Salamat talaga dahil pumunta kayo dito. Pero wala akong maipapakain sa inyo ha!  " sabi ko na medyo naiiyak na natatawa

Sobrang saya ko kasi.

" Naku okay lang yun! Tara na lang sa loob! " sabi ni Steffy

Pumasok na kami sa loob.

At dahil gabi na ay madilim na at walang ilaw sa loob ng bahay.

" Bes! " sigaw ko.

Nandito na pala si Phoebe!

" Hi bes! Namiss kita " sabi niya na parang malungkot

" Phoebe!!! Namiss ka din namin!!!" sabi nila na sabay sabay ulit

Till Death Do Us Part (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon