Mia's POV
" Happy wedding bes! Congrats! " I said after makalabas ni Phoebe sa church
" Thank you bes. Promise ihahanap kita ng para sayo "
" Sus nambola ka pa. Hahaha "
Masaya naman ako sa nangyari. Kinasal ang best friend ko sa lalaking mahal sya at mahal naman nya.
Nakakalungkot nga lang na wala na si Patrick. Sya sana ang mapapangasawa ko ngayon kung buhay pa sya. Pero wala na e, nangyari na at hindi ko na iyon maaaring ibalik pa.
" Sige na bes. Baka malate pa ako sa flight e. Maggagayak muna ako " I said
" Okay bes. Mag ingat ka dun ha? Alam ko namang babalik ka din agad at di mo ko iiwan. I love you bes! "
" I love you too! Mag ingat ka din dito ha? Promise babalik ako "
Umalis na ako sa church at sumakay nalang ng taxi.
Habang nagbbyahe nakatingin lang ako sa bintana at nagmumuni muni.
Pupunta ako sa America para mag apply ng trabaho. Gusto ko na rin kasing tulungan ang mga magulang ko.
Habang nakatingin sa bintana, may mga nakita akong riders. Wow. Naamaze ako kasi parepareho sila ng suot at sunod sunod pa sila sa pagpapatakbo ng mga motor nila.
Nang biglang umovertake si manong driver sa isang trak.
Wooshh. Kinabahan ako dun ah..
" Kuya dahan dahan lang po " sabi ko
Then suddenly nakita ko ang isang rider na papunta sa direction namin, no one knows why.
Pero hindi ko na alam ang sunod na nangyari......
-------blackout--------
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa buhay, hindi palaging masaya. Minsan kailangan din nating maging malungkot. Hindi nakaayon sa atin ang kasiyahan at tayo ang gumagawa ng dahilan kung paano ba tayo sasaya o malulungkot.
Ang buhay ay parang gulong. Oo tama.
May mga taong kailangang mawala para marealize mong mahalaga ba ang taong yun sayo. Pero kailangan pa ba natin silang hayaang pakawalan bago mapagtanto ang lahat?
Lesson is kailangan mong pahalagahan ang mga taong dumadating sa buhay natin dahil may purpose si God kaya nya tayo pinagtagpo. Hindi mo man malaman ang purpose niya, at least pinahalagahan mo siya sa umpisa pa lang.
Wag tayong susuko sa mga problema. Dahil ito ay isa lamang sa pagsubok sa atin na kailangan nating malampasan sa buhay upang masukat ang iyong katatagan.
Hindi solusyon ang pag-alis sa lugar na marami kayong memories at hindi solusyon ang pag-iyak sa mga problema.
Ang tanging solusyon lamang ay ang magandang pakikitungo at maayos na pakikipag-usap para malinawan tayong lahat.
-End-
Till Death Do Us Part 10-18-15
By: Mae_Jalmanzar
Thank you! :)
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part (COMPLETED)
RomansMahirap mamatayan. Mahirap lalo na kung namatay nang dahil sayo. Mapapatunayan ba nila ang Forever?