Ryan's POV
" Mae?
Anak? "
Nakita kong tumulo ang luha ni Mr.Smith habang nalapit kay Mae.
Ito ba yung tatay niya na iniwan daw sila?
Ang pagkakaalam ko kasi business partners ang mom ni Mae at mom ni Zai sa Smith & Amon Corporation.
So yung dad ni Mae ay si Mr.Smith?
O__O
Nilapitan ko agad si Mae para alalayan. Naiyak na din kasi siya.
" Mae don't cry. Andito lang ako " sabi ko
Niyakap ako ni Mae at umiyak.
Pagkatapos ay hinarap na niya si Mr.Smith na hanggang ngayon ay nakatayo pa din habang naluha.
" Ikaw ang tatay ko ha? Ikaw ba!!? " sigaw ni Mae
Halata ang galit na nararamdaman niya.
Nakatingin sa kanila ang lahat ng tao.
" Mae wag ka sumigaw. Tingnan mo oh nakatingin na satin lahat ang mga tao. Nakakahiya " bulong ko
" There's nothing to worry Ryan. " sabi niya
Nilapitan niya si Mr.Smith
At ako naiwan dito sa gilid ng mini stage.
" Ryan. Siya ba yung dad ni Mae? " tanong ni Zai
" Hindi ko nga din alam eh " sagot ko
" Anak " umiiyak ng umiiyak si Mr.Smith
" Wag mo nga akong tawaging anak. You're not my dad " iritang sagot ni Mae
" Anak. Alam kong ikaw yan. Nakakasigurado ako na ikaw ang anak ko dahil sa kinanta mong On My Own. Noong bata ka pa daw, sabi ng mommy mo lagi mo daw yun kinakanta. Mae. Sorry. Please forgive me. " nakaluhod na sabi ni Mr.Smith habang umiiyak
" Baka nagkataon lang " sabi ni Mae na walang pakialam sa pagluhod ni Mr.Smith
" Let's have DNA Test para makasigurado tayo " sabi ni Mr.Smith
" Sige. Pero sigurado akong hindi ikaw ang tatay ko " sabi ni Mae
" Salamat anak. " umiiyak na naman si Mr.Smith
" Everyone! Pwede na kayong makauwi " sabi ni Mr.Smith sa lahat
Isa isa namang nagsiuwian ang lahat.
" Pinakuha ko na sa assistant ko ang kutsarang ginamit mo kanina pangkain para maitest na " sabi ni Mr.Smith kay Mae
Lumapit naman sa amin si Mae at niyakap na naman ako.
" Ssshhh tahan na " sabi ko
" Ryan. Nahihirapan ako. " sabi ni Mae habang naiyak
Tinanggal ko naman ang yakap niya sa akin at iniharap ko siya sa akin para makausap ko ng maayos.
" Mae. Wag kang panghinaan ng loob. Kaya mo yan. Ikaw pa " sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya
" Sana siya na nga si dad. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng isang tatay "
" Think positive Mae "sabi ko
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part (COMPLETED)
RomanceMahirap mamatayan. Mahirap lalo na kung namatay nang dahil sayo. Mapapatunayan ba nila ang Forever?