Riz's POV
We have a concert in U.S pero hindi ako sumama.
Ayaw ko na mabuhay sa kasinungalingan.
At ayaw ko nang lokohin ang sarili ko.
Akala ko sa Over Boundary ako sasaya pero hindi pala.
Mas masaya sa Stolen Shot dahil nandun ang mga totoo kong kaibigan.
Tama nga si Joy.
Walang magandang maidudulot ang Over Boundary sakin.
Pero hindi ko siya sinunod at ang sarili kong desisyon ang sinunod ko.
At dahil dun, nasaktan ako.
*** Flashback ****
Nandito ako sa bahay namin dahil kagagaling ko lang sa practice ng Over Boundary.
Ang unang practice ko ng hindi kasama si Joy dahil bumalik na siya sa Stolen Shot.
Pero hindi pa alam nina Kim na umalis na si Joy, ang alam lang nila eh may sakit siya.
Pupunta daw dito si Joy kasama si Jayson para kausapin ako.
**beep beep**
At heto na sila.
Parang nasa hot seat ako eh.
" Joy ano bang sa sabihin mo? " sabi ko
" Riz kung ako sayo, babalik na ako sa Stolen Shot. Riz alam mong sila talaga ang mga tunay nating kaibigan noong una pa lang. Walang magandang maidudulot ang Over Boundary sa buhay mo. Tingnan mo naman binigyan pa tayo ng death threat. " eto na naman ang mga words of wisdom ni Joy
" Joy, masaya na ko sa Over Boundary. Mas tinuturing nila akong kabanda nila kesa sa Stolen Shot. " Ako
" Pero Riz baka kapag pinagpatuloy mo yan, baka buhay mo ang kapalit " Jayson
" Jayson. Dito ako masaya. Please hayaan mo na lang ako " Ako
" Kung yan ang desisyon mo, hahayaan ka namin. Pero sa oras na narealize mo nang gusto mong bumalik sa kanila, tatanggapin ka nila ng buong buo kasi ako tinanggap nila ako. Diba Jayson? " Joy
" Oo. Kaya wag ka magdalawang isip na bumalik Riz. Nandito lang kami para sayo " Jayson
" Pero Joy, pano ka? Pano pag nalaman nina Kim na umalis ka na sa Over Boundary? " Ako
" Don't worry Riz. Nakahanda na ang mga pulis kung sakaling sugurin nila ako sa bahay. " Joy
BINABASA MO ANG
Till Death Do Us Part (COMPLETED)
RomanceMahirap mamatayan. Mahirap lalo na kung namatay nang dahil sayo. Mapapatunayan ba nila ang Forever?