Chapter 18.2 * Finally! *

171 38 5
                                    

Ranz' POV

Binigay ko ang flowers at lumuhod ako sa harap niya.

" Papayag ka ba na maging kabiyak ng puso ko at balang araw ay hihintayin kita sa altar na yan "

Tinuro ko ang altar.

" Phoebe Villarivera..... "

Ang nakalipas ay ibabalik natin...Oohh..

Hanggang sa pagtanda natin..

Ang tanong lang sayo..

Ako pa kaya'y ibigin mo...

Kahit maputi na ang buhok ko...

" Will you be my girlfriend? And soon to be my wife? "

Hindi ko na naiwasang mapaluha dahil nakikita ko na luhang luha na si Phoebe.

Kinakabahan ako dahil hindi sya nagsasalita. Nakatayo lang sya habang naluha.

Anong ibig sabihin nito?

Napaiyak na ako dahil hindi sya sumasagot.

Ilang minuto na din ang lumilipas pero iyak sya ng iyak at hindi nasagot.

Hindi sya makapagsalita.

Alam ko na....hindi ang sagot nya

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko.

Sinenyasan ko din si Mae at ang banda na tumigil na sa pagtugtog.

Wala na akong pag-asa.

Paalam Phoebe.

Paalam.

Tiningnan ko sya at bago ako umalis bigla syang nagsalita..

" Pano ba naman kita matatanggihan? Eh mahal kita. Syempre OO "

Tama ba ang narinig ko?

" Tama ba ang narinig ko? Sinasagot mo na ba ako? "

" Oo Ranz. Tama ang narinig mo. Mahal kita " sabi nya na umiiyak

Nagpalakpakan naman ang mga tao.

Tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa.

Hinalikan ko siya sa noo at niyakap.

" Salamat Phoebe. Salamat. Mahal na mahal kita "

" Mahal na mahal din kita Ranz "

Kinausap ko muna ang Stolen Shot at si Airilyn. Nagpasalamat ako sa kanila.

Umuwi na din sila pagkatapos ayusin yung simbahan.

Natira kami dito ni Phoebe.

" Tara muna sa park " akit ko kay Phoebe

" Sige "

HH kami habang naglalakad papunta sa park.

Aminin ko man o hindi. Kinikilig ako. Ang baduy ba? Haha.

Nakarating na kami dito sa park at humiga muna kami sa damuhan.

" Happy Birthday baby! " sabi ko

" Baby? "

" Oo baby kita eh. Pag naging mag asawa na tayo. Babyhon na ang tawag ko sayo para kahit mag asawa na tayo, baby pa din kita. Gusto ko kasi lagi kitang inaalagaan :) "

" Sweet naman ng dada ko :) "

" Dada? "

" Oo short for daddy ^.^ "

" Sweet :) "

Sabay kiniss ko sya sa noo, sa ilong.

" I love you baby "

Kiniss ko sya sa lips. A very soft and passionate kiss.

" I love you more dada "

" I love you....most... Haha "

" Baby, wag ka magagalit ha. May sasabihin lang ako. "

Napansin ni Phoebe na nalungkot ako kaya niyakap niya ako.

" Dada. nalungkot ka yata? Ano ba sasabihin mo? "

" Natuloy na yung alis ko papuntang Australia "

Nakita ko ang pagkagulat ni Phoebe sa sinabi ko.

" Ano? Bakit? Anong nangyari? "

Sasabihin ko ba ang totoo?

a. Pag sinabi ko ang totoo, masasaktan sya

b. Pag di ko sinabi ang totoo, okay lang sa kanya kasi alam niya na babalik agad ako

Bahala na.

" Dada "

" Baby, malala na yung sakit ng kapatid ko sa Australia. Lung cuncer stage 4. Kailangan namin mabuo ang pamilya namin bago pa man sya mawala. Diba nasabi ko na sayo yun dati pa. "

" Ganun ba. kelan na nga ang balik mo? "

" Di ko pa alam pero babalik agad ako para sayo "

" Salamat. Kailan ang alis mo? "

" Bukas "

Tumahimik ang kapaligiran.

Napansin kong kami na lang pala ang tao dito.

Nakakalungkot. dahil aalis ako

Pero masaya ako. dahil kahit alam kong malayo ako. official na kami ng baby kong si Phoebe.

Nilabas ko ang birthday gift ko sa kanya.

" Baby, i love you very much. Happy Birthday "

Sinuot ko sa kanya yung bracelet, singsing, hikaw, kwintas at singsing na may nakalagay na R <3 P

" Ang dami naman nito dada. Salamat ha "

" Madami yan para kapag nawala man ang isa dyan.alam kong may kapalit pa. Pero tiwala naman ako sayo na iingatan mo yan. Pag namimiss mo ako tingnan mo lang yan at maaalala mo ako. "

" I love you Ranz. Ingat ka sa pag alis mo. Iingatan ko din ang bigay mo. "

Niyakap namin ang isa't isa.

" Miss halika " tawag ko dun sa babaeng nagwawalis

" Bakit po sir? "

" Picturan mo nga po kami ng girlfriend ko please. " pakiusap ko

" Sige po "

" 1, 2, 3 smile "

Nagsmile naman kami.

" Thank you po "

Pumunta naman kami ni Phoebe sa bayan.

Pinadevelop namin yung picture.

" O ayan baby. Para lagi mong makita ang gwapo kong mukha. Hahaha "

binigay ko sa kanya ang picture na pinadevelop namin.

Nasakin yung isang picture para maalala ko sya.

" Hindi ko to makakalimutan dada. Anniversary natin ay kasabay ng birthday ko. Kahit hindi ako nakapaghanda sa birthday ko este sa debut ko. Masaya ako dahil naging tayo. I love you dada "

" I love you baby "

Umuwi na kami ng masaya.

Finally, naging akin din si Phoebe.

Sobrang saya ko. Sobra

-----------------------

Till Death Do Us Part (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon