A/N: And another update! Bawing-bawin yung 7-day hiatus ko 🎉🎉🎉
Enjoy reading!
Kasalukuyang nakababad si Imelda sa maliit na tub habang iniintay nito na matapos ang tamang oras para sa alkaline solution na pinahid niya sa kanyang pubic area para matanggal ang mga buhok niya doon
'Isang minuto pa, princess'
Sabi ni Abigall na nakupo sa edge ng bathub na pinagbabaran ni Imelda
Si Imelda ay nakapikit at tahimik lang na naghihintay hanggang sa matunaw na ng rhusma ang mga buhok niya sa ibaba
'Hindi na ba magbabago ang isip mo?'
Malungkot na tanong ni Abigall
'How many times do I have to tell you, Abi?'
Medyo irritable na sagot ni Imelda na nakapikit pa din at nakahawak sa magkabilang dulo ng tub
Pero sa totoo ay kinakabahan si Imelda
Sa lahat ng kanyang pinagdaanan... pinagdadaanan, ay nararapat lang na pagbayarin niya ang halimaw na sumira sa buhay niya, at sa buhay ng lahat ng kanilang nasasakupan... subalit may isang maliit na boses ang pumipigil sa kanya... isang walong-taon na bata na alam niyang lubos niyang masasaktan kapag nagtagumpay siya sa kanyang binabalak
'Paano si Iymee?'
Biglang tanong ni Abigall
Kahit kailan talaga ay si Abigall ang nagsisilbing konsensya ni Imelda
'I'll take care of her'
'How?'
Nakakunot noo na tanong ni Abigall
'I don't know yet... but I will'
'Hindi ko siya pababayaan'
'Tapos na ba yung isang minuto?'
'Oo'
Huminga muna ng malalim si Imelda bago ito dumilat at saka maingat na tumayo sa tub
'Malinis naman no?'
Mabuting tiningnan ni Abigall ang ibaba ni Imelda bago niya pinunasan ng kanyang kamay ang ilan pang buhok na naiwan
'Iyan, malinis na'
At saka tumayo si Abigall para alalayan si Imelda na makalabas sa bathub bago niya sinimulang tuyuin ang buong katawan nito
'Princess... kung magtatagumpay ka, hindi ba't parang ginawa mo din ka Iymee ang ginawa nila sa'yo?'
'Gusto mo bang... kamuhian ka din niya?'
'Will you shut up, Abigall?'
Sabay hatak niya ng tuwalya kay Abigall at siya na lang ang nagtuyo sa kanyang sarili
Malungkot lang na pinapanood ni Abigall si Imelda. Alam niya na sa mga oras na ito ay hindi pa din isang-daang porsyento na desidido ang kanyang kaibigan sa gusto nitong gawin
Hindi lang dahil kay Abigall... pati na din sa Dracula
'Gusto mo ba talaga siyang saktan?'
Napatigil na si Imelda sa pagpupunas at huminga na ito ng malalim para pigilan ang sarili na masigawan muli ang kanyang kaibigan... subalit, tama si Abigall. Hindi siya sigurado kung talaga bang gusto na niyang mawala ang Dracula. Noong una, oo... pero ngayon... hindi na niya alam
YOU ARE READING
BLOOD: Slave of Duty
VampirgeschichtenAfter a devastated event that took place at the Kingdom of Heodrido led by the Fletcher clan, princess Imelda was captured and was gifted as the new slave to the the most feared half-human and half-vampire, THE DRACULA Ferdinand, the last of his kin...