-FLASHBACK-
It is a bittersweet moment for everyone who's witnessing the matrimony of the Dracula and princess Katherine.
Ang lahat ay nabuhayan ng loob sa nalalapit na pagtatalaga ng bagong hari at reyna ng Zaiparyn. Ang nagaganap na pagbubuklod ay nagbibigay pag asa sa gitna ng pagdadalamhati sa pagkawala ng pinakamamahal nilang sina haring Karsen at reyna Victoria
'Ako, si Ferdinand Marcus, Dracula, ay taimtim na nanunumpa na aking pararangalan at pangangalagaan ang aking asawa at reyna'
'Nanunumpa na pamumunuan ko ang kaharian ng may kabutihan, katiwasayan at lakas katuwang ang reyna sa aking tabi'
Nag-iiyakan na ang lahat. Salamat at magkakaroon pa din sila ng isang pinuno na dakila at may malasakit sa kanila. Mabuti at mahusay talaga ang dating hari at reyna dahil bago pa man sila lumisan ay nagawa pa din ng mga ito na maipamana ang korona sa Dracula at sa bunso nilang anak. Mapayapa na ang kalooban ng mga mamayan sa pagkakaroon ng pinuno sa katuhan ng Dracula
'Seal your vow and wed you wife, O Great Dracula!'
Masigabong nagpalakpan ang lahat ng sa wakas ay opisyal ng mag-asawa at kanila ng bagong hari at reyna, ang Dracula at si lady Katherine
'Iaalay ko ang aking buhay para sa'yo, Ferdinand'
Pangako ni Katherine pagkatapos paghiwalayin ni Ferdinand ang kanilang mga labi
'Pangako, magiging mabuti akong asawa at reyna sa tabi mo'
Bumagsak na ang luha ni Katherine kaya pinunasan iyon ni Ferdinand
'I have no doubt, my Queen'
'At ako din, pangako, iaalay ko ang aking sarili sa pagsisilbi sa'yo at sa lahat ng ating nasasakupan'
'Sinusumpa ko, aalagaan kita... at hinding hindi kita pababayan...'
Mas lalo pa tuloy napaiyak si Katherine. Ramdam at kita niya sa mga mata ni Ferdinand ang taos pusong pagmamahal nito sa kanya. Isang bagay na hindi na niya inakalang mangyayari pa. Subalit hindi siya magiging makasarili. Alam niya ang pagnanais ng kanyang asawa na matagpuan pa din at makasama ang babaeng nakalaan para dito. Hindi ibig sabihin na kasal na si Ferdinand sa kanya ay hindi na rin nito maaaring isakatuparan ang pinapanga-pangarap nitong tadhana
'Maraming salamat, Ferdinand... pero may isa pa kong gustong ipangako sa'yo'
Mainit ang mga kamay ni Katherine ng hinawak niya ito sa mukha ng kanya na ngayong asawa kaya napapikit si Ferdinand at ninamnam ang kanyang palad
'Hahanapin ko siya'
Nabigla si Ferdinand at nakakunot noo siyang tumingin sa kanyang reyna
'Pangako... hahanapin ko siya para sa'yo'
Si Ferdinand naman ang naluha
Inihanda na niya ang kanyang sarili at tinanggap na wala ng pag asa na matatagpuan pa niya ang kanyang pinaka mamahal, subalit heto si Katherine, nangagako na tutulungan at hahanapin ang babaeng nakalaan para sa kanya. Mas pinatunayan pang lalo nito na tama ang kanyang naging desisyon. Na nararapat lang ang mahalin niya din ito tulad ng pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya
'Salamat, Katherine... salamat aking reyna...'
-END OF FLASHBACK-
Sakay sakay sa likuran ng malaking dragon sina Ferdinand
Kahit na malayo na sila sa gubat ay amoy pa din ang usok. Sa likod nito ay ang Dracula na napaka higpit na nakayakap sa walang buhay na nitong asawa
'Pagbabayarin ko silang lahat... lahat sila Katherine...'
YOU ARE READING
BLOOD: Slave of Duty
VampirgeschichtenAfter a devastated event that took place at the Kingdom of Heodrido led by the Fletcher clan, princess Imelda was captured and was gifted as the new slave to the the most feared half-human and half-vampire, THE DRACULA Ferdinand, the last of his kin...