It's Time

550 51 169
                                    

A/N: Yay! Two consecutive updates!

Enjoy reading!

'Abigall, bilisan mo!'

Napa-ikot mata na lang si Abigall bago ito mabilis na pumunta sa likod ni Imelda para ayusin ang pagkakatali ng bistida nito

'Matagal pa ba?'

Naiinip na si Imelda dahil ngayong ang kanyang unang araw bilang official personal tutor ni Iymee. Maaga nga siya nagising... actually, hindi na siya nakatulog dahil sa kanyang sobrang pagka-excited!

'E, ang tagal mo kasing mag-ayos ng buhok!'

'O! Ayan tingnan mo, hanggang ngayon hindi ka pa din tapos'

Napapailing na lang si Abigall sa kanyang kaibigan. Siya itong pinagmamadali, samantalang ito nga ang napaka bagal kumilos! Jusko ang buhok kailangan perpekto!

'Baka naman paglabas natin, ikaw na ang mapagkamalang reyna dito'

Nangiti naman si Imelda sa harap ng salamin

'Kahit naman hindi ako naka-ayos, ay mas mukha talaga akong reyna don'

Halos mawala na ang itim sa mata ni Abigall dahil sa sobrang pag-ikot na mata nito. Totoo naman na mas maganda si Imelda kay Katherine, pero hindi siya sanay na ganito kayabang ang kanyang kaibigan... napaka-humble kaya nito. Pero, siguro ay dahil na din sa galit kaya nakakapag salita ito ng ganon

'I look gorgeous'

Papuri ni Imelda sa sarili pagkatapos nitong maiyos ang kanyang buhok

'Sana hinintay mo man lang na ako yung nagsabi sa'yo'

Pagbibiro ni Abigall habang natutuwa itong pinapanood ang pag awra-awra ni Imelda sa harap ng malaking salamin

'Alam ko naman na sasabihin mo, kaya inunahan na kita'

'And besides, I need to look gorgeous... and you know why'

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Abigall. Iyon pala ang dahilan kung bakit naka pustura ng napaka ganda si Imelda

'Princess... are we really going to do it?'

'Hindi ba parang masyadong maaga?'

'Dapat pag-isipan natin ng-'

'SSSHH!'

Pag-awat ni Imelda kay Abigall

'I don't want to hear it'

'I made up my mind, and nothing you say can change it'

At saka ito iritable ng umalis sa harap ng salamin at naglakad palabas ng kwarto habang napa hinga na lang ng malalim si Abigall bago ito sumunod dito

.
.
.
'Princess Imelda!'

Malakas na sigaw ni Iymee ng pumasok na sa kanyang study room sina Imelda

'Iymee!'

Sabay na mabilis tumakbo si Imelda at yumakap sa batang napamahal na sa kanya

'I miss you princess Imelda'

Medyo na iiyak na sabi ni Iymee habang mahigpit silang magkayap ng kanyang bagong tutor

'I missed you too'

'But, princess...'

Marahan na inihirap ni Imelda ang bata sa kanya habang dalawang kamay siyang nakahawak sa pisngi nito

BLOOD: Slave of DutyWhere stories live. Discover now