Betrayal of Trust

440 46 42
                                    

Mahigit tatlong oras ng naghihintay si Rhodrigo sa pagbabalik o sa senyales man lang ng Dracula. Nagsisimula na siyang kutuban na baka may masama ng nangyari dito.

'Nasaan na kayo Dracula?'

Gusto na niyang lumusob na din sa loob! Pero kabilinbilinan ng Dracula na maghintay siya! At saka hindi niya pa nagagawa ang pinag-uutos nitong paggawa ng malaking siga! Kailangan muna niya iyon magawa.

'Hindi na ako makakapaghintay... kapag natapos kong gumawa ng apoy at wala pa din kayo... lulusob na ko'

'Magalit na kung magalit ka Dracula, pero... kapag nanatili pa ako dito ay mababaliw na ako'

.

.

.

'LENNOX, STOP!!!'

Napaka lakas at nananakit lalamunan na sigaw ni Imelda

'Pakiusap... pakiusap tigilan mo na yan...'

'Pakiusap, tama na...'

Hirap na hirap na ang kalooban ni Imelda na panoorin ang walang awang pagpapahirap ni Lennox kay Ferdinand. Matapos ang walang tigil na pambubugbog ng mga ito kanina, ngayon naman ay paulit ulit itong sinasaksak sa tiyan. Mahigit sampong saksak na ang inabot nito sa iisang lugar, kung saan kasalukuyan ngayon nakabaon ang kutsilyo at pinaiikot ikot ni Lennox.

'TAMA NA!!!'

Sigaw na naman ni Imelda ng binunot ni Lennox ang kutsilyo at muling isinaksak iyon kay Ferdinand.

Duguan at hinang hina na ang katawan ni Ferdinand. Hindi gumagana ang kanyang kapangyarihan dahil sa malakas na mahika na nakapaloob sa kadenang nakatali sa kanya.

Hindi niya maintindihan kung papaano nagawa iyon ni Kassidy gayung imposible para sa kahit sinong salamangkero ang makagawa ng isang mahika na makakapag walang bisa sa kapangyarihan ng isang bampira... maliban na lang kung alam nito ang tungkol sa kabilugan ng buwan, at ang epekto nito sa kanila

'Huwag ka ng tumingin Imelda... pakiusap... ipikit mo lang ang iyong mga mata'

Higit na masakit para kay Ferdinand ang makita ni Imelda ang kanyang paghihirap. Higit pa sa sakit ng katawan ang hayaan ang kanyang pinakakamamahala na masaksihan ang kawalangyaan ng kanilang mga kalaban. Makakayanan niya ang lahat ng sakit pero hindi ang sakit ng damdamin na ibinibigay niya dito

'That is so sweet'

Panunuya ni Lennox habang pinapanood niya ang pagubo ubo ng dugo ni Ferdinand

'And sad at the same time. Hahaha!'

Kahit na hirap ay pinilit itinaas ni Ferdinand ang kanyang tingin sa tumatawang lalaki. Kung nakakamatay lang ang tingin ay nakahandusay na sana ngayon si Lennox, dahil ang mga mata ni Ferdinand ay hindi lang matalim, pulang pula na din!

'Oh! Bakit naman ganyan ang tingin mo sa akin?'

Patuloy na panunuya nito

Tuwang tuwa si Lennox sa itsura ng Dracula. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magagawa niyang pahirapan ng ganito ang kinikilalang pinaka makapangyarihan na nilalang na nabubuhay ngayon!

'Ibang klase talaga ang asawa ko'

Pagmamalaki pa niya

'Kung sino ka mang hudas ka... tandaan mo... pagbabayaran mo itong ginawa mo sa pamilya ko'

Seryoso at galit na banta ni Ferdinand na siyang tinawanan lang ulit ni Lennox

'Hahaha! At paano naman mangyayari iyon? E, hindi mo nga magawang makawala diyan sa kadena mo. Hahaha!'

BLOOD: Slave of DutyWhere stories live. Discover now