Dracula

439 44 72
                                    

'Ano pang tinatanga niyo?! Panain niyo!'

Mabilis na nagsisunuran ang mga tauhan sa galit na galit na si Kassidy

Sabay sabay silang lahat nagpakawala ng pana paitaas subalit walang ni isa man lang ang umaabot sa Dragon at kay Abigall

*WHOOSH!*

Isang palaso na naman ang nakapagpatumba sa isang kawal

Hindi na magkandaugaga ang mga kalaban dahil sa walang tigil na pagpapaulan ni Abigall ng mga palaso. Lahat ng tira nito ay tumama at pumapatay isa isa sa mga kalaban

'Mga walang silbi!!!'

Namumula na sa pangigigil si Kassidy habang pinapanood niya ang isa isang pagbagsak ng kanyang mga tauhan

'Ikaw! Ano pa tinutunganga mo! Yung halimaw! Patayin mo yung halimaw!'

Galit na utos ni Kassidy sa asawa niyang halatang natataranta sa mga nangyari

'Aaarggh!!! Wala ka talagang silbi!'

Inis ni Kassidy ng hindi pa din gumalaw si Lennox. Hindi talaga niya maaasahan ang kanyang asawa. Kailangan may gawin siya!

Mabilis na lumakad si Kassidy palapit kina Ferdinand. Handa na siyang itulak ang kanyang kapatid at pugutan ng ulo ang Dracula ng biglang-

*CLANG!*

'Huh?'

Gulat niya ng isang binatilyo ang biglang sumulpot at humarang sa kanya

'Not today'

Salita ni Rhodrigo habang diretso at may lisik ang mga mata itong nakatingin kay Kassidy

Walang kahit sino man ang nakakapigil sa kung ano mang naisin ni Kassidy. Kaya niyang isakatuparan ang lahat niyang desisyon sa kahit anong paraan. At patayin ng walang alinlangan ang kahit sinong hahadlang... subalit... bakit hindi niya magawa sa binatang nasa kanyang harapan?

'Ano tatayo ka na lang ba diyan?'

Inis na tanong ni Rhodrigo ng mapansin niya ang pagkabigla ng babae at ang mariin na pagtitig nito sa kanyang mukha

'RHOD!!!'

'RHOD SI MOMMY!!!'

Mabilis na inispada ni Rhodrigo ang hawak na ispada ni Kassidy kaya humagis iyon at saka siya tumakbo papunta kina Iymee, habang si Kassidy ay naiwang natutulala at hindi makagalaw. Pero bakit ba hindi siya makagalaw?!?! Naiinis si Kassidy sa kanyang sarili! Bakit hinayaan niya lang ng ganon ganon ang binata!

Nagkakagulo pa din ang lahat at patuloy na nakikipaglaban sa iisang babae na nakasakay sa Dragon. Si Lennox ay sumali na din sa pagpana habang si Kassidy ay nagdadalawang isip na sa kanyang plano. Mabuti niyang pinagmamasdan ang kanilang kalagayan at napagtanto niya na mahina ang kanyang mga tauhan laban sa babaeng nasa himpapawid. Masyado itong maliksi! At napaka asintado! Hindi lubos maisip ni Kassidy kung papaanong napapakilos ng babae ang Dragon. Wala pa siyang kilala maliban kay Ferdinand na naka kontrol kay Draco!

Wala ng saysay ang manatili pa dito. Hindi na din naman niya mapapatay si Ferdinand dahil sa binatang pumoprotekta dito. Kailangan na niyang umalis at iligtas ang kanyang sarili, pero saan siya pupunta?... Sa palasyo! Tama! Kung nag iisa lang ang babae na lumalaban, ibig sabihin ay hindi pa alam ng mga nasa palasyo kung nasaan na sila ngayon. At maaaring na-take over na din nila Gen. Malcomsom ang palasyo. Tama! Mas ligtas siya doon kaysa dito

'Mommy!!!'

'Katherine'

Iyak nila Iymee at Imelda

BLOOD: Slave of DutyWhere stories live. Discover now