Answered Prayer

548 53 189
                                    

Nahihilo at parang may pumalo ng malaking bato sa ulo ng magising si Imelda

'Panaginip lang ba iyon?'

Wala pa din siya sa ulirat. May naaaninag na siya pero hindi siya sigurado kung ano... malaking bintana? Mahabang kurtina? Pamilyar ang lugar pero hindi niya maalala kung saan

'Mabuti naman at gising ka na'

Nakasimangot at singkit matang nilingon ni Imelda ang babaeng nagsalita... pula ang buhok... pula ang buhok... PULA ANG BUHOK!

'Katherine! AH-'

'Oh! Magdahan dahan ka'

Masakit ang katawan at halatang hirap si Imelda sa pag upo kaya inalalayan at tinulungan na ito ni Katherine

'So, hindi iyon panaginip?'

Iyon agad ang unang lumabas sa bibig ni Imelda

Ngayon na medyo maayos ayos na siyang nakakakita ay naalala na niya kung nasaan siya. Sa kanyang silid... and dating silid ng Dracula

'Anong panaginip?'

Medyo natatawa na tanong pabalik ni Katherine

Seryoso bang inakala ni Imelda na panaginip lang ang mga naganap? Siguro ay nabigla nga talaga nga nila ito at kahit hanggang ngayon ay hindi pa din ito makapaniwala

'Totoong... inaya ako magpakasal ni Ferdinand...?'

Nagdadalawang isip at may kaba na tanong ni Imelda

Bakit naman kasi sa lahat naman ng una niyang makikita pagka gising, ay si Katherine pa talaga! Hindi ba pwedeng si Abigall o si Iymee? O di kaya, si Ferdinand!

Hindi pa siya handang harapin ang babaeng kasama niya ngayon! It all happened so fast! And the last person she would like to find answers from is Katherine! Dahil sa totoo lang... ay nahihiya siya dito

'Yes... tama ang naalala mo'

'Inalok ka nga niya ng kasal'

Nakangiti pang sagot ni Katherine kaya tuloy mas lalong nahihiya si Imelda

Hindi niya alam kung paano kikilos, o kung ano ang dapat sabihin

IT'S JUST SO AWKWARD!

'Wala ka na bang tanong?'

('Meron... kung kailan mo ako iiwanan')

'Ah- wala na akong maisip...'

Gustong matawa ni Katherine sa itsura ni Imelda. Para itong bata na nahuling gumawa ng kasalanan... ANG CUTE! Ngayon na tinitingnan niya ito ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kasiyahan, dahil kung papayag ito sa alok ni Ferdinand, ay magkakaroon na siya ng katuwang bilang reyna ng Zaiparyn. At bukod don, ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na maging isang nakatatandang kapatid para kay Imelda. Pipilitin niyang maging isang mabuting kapatid hindi tulad na naging trato sa kanya ni Kassidy. Pitong taon ang ang agwat nila ni Imelda kaya sisiguraduhin niya na tuturuan niya ito kung paano ang mamahala ng isang kahiraan. Although, sa pagkakaalala niya ay kilala na ito bilang magaling at mabuting prinsesa, pero iba pa din kasi ang pagiging isang reyna

'Ahm... kung ganon ako naman ang may tanong sa'yo'

Napalunok at mabilis na tumibok tibok ang puso ni Imelda

'Tinatanggap mo ba ang alok ni Ferdinand?'

Bakit naman si Katherine pa ang unang makaalam ng sagot niya! Nahihiya si Imelda! Pakiramdam niya ay ang isang malaking sampal ang gagawin niya dito kapag nalaman nito!

BLOOD: Slave of DutyWhere stories live. Discover now