Bloodlust

728 65 133
                                    

Tatlong araw na ang nakalilipas ay hindi pa din nagigising ang Dracula

Nag-aalala na ang lahat ng tao sa kaharian dahil ito pa lang ang unang beses na nag-hibernate ang Dracula na ganito katagal matapos ang pakikipaglaban. Kahit nung huling giyera laban sa kaharian ng Heodrido ay inabot lamang  ito ng isang buong araw para maka-recover

'Nag wo-worry na ako para kay daddy'

Maluha luhang salita ni Iymee kay Imelda

'Hindi ko pa siya nakita na matulog ng ganito katagal'

'Siguro, sobrang dami talagang dugo ang nawala sa kanya nung nakipaglaban siya sa lobo'

'Paano kung hindi na siya magising, lady Imelda?'

At umiyak na nga ng tuluyan ang batang si Iymee kaya niyakap na siya ng mahigpit ni Imelda sa dibdib nito

'Nakita kong madaming dugo ang nawala sa kanya...'

'Pero mas duguan at sugatan pa siya nung huli silang sumalakay, pero hindi naman siya natulog ng ganito katagal'

Napapaisip na si Imelda

Natutulog ng matagal ang Dracula dahil naubusan ito ng dugo... hindi kaya may kinalaman ang nangyaring paglaslas nito nung gabi na iyon? Paano kung iyon talaga ang dahilan sa nangyayari dito ngayon?

'Natatakot din ako para kay mommy...'

'Bakit naman?'

Nagkukuskos ng mata na umangat ng tingin si Iymee kay Imelda bago ito nagsalita

'Mahigit anim na buwan pa lang simula nung pinainom niya ng dugo niya si daddy'

'Kung ganito katagal ang hibernation ni daddy... panigurado mas maraming dugo ang kakailanganin niya para bumalik ulit sa normal ang kanyang lakas'

'Kung pwede nga lang... magbibigay na din ako'

'Kaso ayaw nila mum and dad'

'Hindi ko daw kakayanin'

Mas lumalakas pa ang paghikbi ni Iymee kaya muli na itong niyakap ni Imelda. Naaawa siya dito and at the same time, nag-aalala din siya kay Ferdinand... or better word to put it, nakokonsensya

Paano kung siya ang dahilan ng nangyayari dito? Well, siya naman talaga. But what if, bukod sa pagligtas sa kanya nito sa mabangis na hayop, ay napahina na niya pala si Ferdinand nung pinagtangkaan niya ang buhay nito?

Pero pilit niyang inalis iyon sa kanyang isip

('Quit it, Imelda')

('Kung ano man ang masamang nangyayari sa halimaw na 'yon, wala kang kasalanan')'

('Dapat lang iyon sa kanya!')

'Princess'

Tawag ni Abigall kay Imelda kaya nagbitiw na sila ni Iymee

'Yes, Abigall?'

'Can we talk for a bit?'

Napasimangot si Imelda dahil mukhang mahalaga ang gusto ni Abigall na pag-usapan nila

'Sure'

'Princess Iymee...'

'Mag-uusap lang kame ni Abigall ha?'

Tumango ng umiiyak si Iymee bago ito muling bumalik sa pag-aaral

'What is it?'

Pabulong na tanong ni Imelda ng makalayo na sila kay Iymee

BLOOD: Slave of DutyWhere stories live. Discover now