A Brewing Storm

768 65 182
                                    

'Let me go!'

Galit na sigaw ni Katherine kay Ferdinand na madiin na nakahawak sa kanyang magkabilang balikat

'Katherine please!'

'Just listen'

Pagmamakaawa ni Ferdinand sa asawa na walang tigil sa pagwawala

'Sabing bitiwan mo ko!'

*SLAP!*'

Sabay malakas ulit na sampal nito kay Ferdinand

Parehas na napahinto ang dalawa sa pagkabigla. Si Ferdinand ay tahimik lang na nakatingin sa sahig habang iyak pa din ng iyak si Katherine

'Katherine... just please'

'Isa ka pa...'

Mas malakas pang iyak ni Katherine kaya niyakap na ito ng mahigpit ni Ferdinand

Awang awa at nasasaktan si Ferdinand para sa kanyang asawa. Alam niya ang hirap ng kalooban na binigay niya dito. Walang dahilan at hindi deserve ni Katherine ang masaktan ng ganito

'Katherine... just let me explain'

Pero mas nainis lang si Katherine at itinulak pa siya nito ng malakas

'Shut up!'

'Ayokong marinig ang mga kasinungalingan mo!'

'Doon ka na sa babae mo!'

'Magsama kayong dalawa!'

'Lumayas kayo dito sa kaharian ko!!!'

Kailangan may gawin na si Ferdinand! Masama para sa kanyang asawa ang nangyayari dito, baka kapag hindi niya pa ito mapakalma ay tuluyan ng bumigay ang katawan nito

'No... hindi ako aalis'

'Ah, ganon?'

Sabay malakas siyang hinawi ni Katherine at galit itong tumungo sa damitan nito at isa isang inihagis nito ang mga naglalakihan nitong bistida

'What are you doing?'

Malungkot na tanong ni Ferdinand habang pinapanood niya ang mabilis ang galit na paghahagis ni Katherine ng mga damit

'Ayaw mong umalis, diba?'

'Pwes ako na lang'

'Magpagkasasa kayo dito ng babae mo'

'Aalis na lang kami ng anak mo'

NO! Not his baby girl!

'Hindi'

At bigla niyang pinigilan si Katherine at niyakap ito mula sa likod. Sobrang higpit ng kanyang yakap kaya walang magawa si Katherine kung hindi ang tumigil na lang sa pagpupumiglas at muling umiyak

'Walang aalis'

'Hindi ka aalis... at hindi aalis ang anak natin'

'Dito lang tayo'

Ramdam ni Ferdinand na wala ng lakas pa si Katherine kaya iniharap na niya ito sa kanya

Hawak niya ito sa parehas nitong pisngi at pinupunasan ang mga luha don

'You don't deserve this'

'But Katherine...'

Namuo na din ang mga luha sa paligid ng mga mata ni Ferdinand habang nakikipagtitigan pa din siya sa walang tigil na umiiyak niyang asawa

BLOOD: Slave of DutyWhere stories live. Discover now