-FLASHBACK-
'BAKIT MO 'YON GINAWA!!!'
Galit at umiiyak na sigaw ni Vhicente kay Kassidy
'PARA SA ATIN!'
'Bukas na yung kasal... pagkatapos non, itatalaga na silang bagong hari at reyna'
'Vhicente... paano tayo? Kukunin na nila lahat sa atin!'
Galit din na pakikipaglaban ni Kassidy
'Walang sa atin Kassidy!'
'Yung trono... yung korona... para kina Ferdinand yon'
'Bakit ba kasi hindi mo iyon matanggap!'
'HINDI! HINDI AKO PAPAYAG!'
'Vhicente...'
Pilit na hinarap ni Kassidy si Vhicente sa kanya ng yumuko ito at umiling iling. Hindi ito ang gusto ni Vhicente! Si Kassidy... siya lang ang gusto niya. Si Kassidy lang ang tanging pinapangarap niya, pero hindi niya kayang maatim ang mga pinaggagawa nito. Umasa siya, umasa si Vhicente na mapagbabago niya pa si Kassidy at makukumbinse itong sumama na lang sa kanya. Malayo sa palasyo at kalimutan ang ambisyon, pero hindi. Hanggang sa dulo ay nanaig pa din ang kasakiman nito sa kapangyarihan. At ngayon, wala na ang hari at reyna ng Zaiparyn... patay na ang mga ito dahil sa kagagawan ng babaeng nasa harapan niya ngayon
'Mahal na mahal kita Kassidy... pero-'
'At mahal na mahal din kita Vhicente'
Pagpuputol ni Kassidy
Parehas na silang umiiyak. Ang lungkot sa mukha ni Vhicente ay kaparehas ng lungkot sa mga mata ni Kassidy na hindi maitago ng malaking ngiti sa labi nito
'Wala na sila Vhicente'
'Wala ng hahadlang sa pangarap nating pagharian ang Zaiparyn'
'Tayo na ang bagong hari at reyna'
'Pero hindi iyon ang pangarap ko'
'Ikaw... ikaw lang ang pangarap ko'
Ang ngiti sa mukha ni Kassidy ay napalitan ng pagkadismaya sa tinuran na iyon ni Vhicente. Hindi niya nagugusutuhan ang nais ipahiwatig ni Vhicente. Hindi maaaring mabalewala ang pagkitil niya ng buhay ng kanyang sariling magulang! Ipinagpalit niya ang sariling niyang pamiliya para sa kanyang ambisyon at sa lalaking pinakamamahal niya
Sila lamang ni Vhicente ang nararapat na maging susunod na hari at reyna! Siya ang unang anak kaya siya ang may karapatan! Siya lang ang may kakayahan para pamunuan ang kanilang kaharian! At si Vhicente, ang kanyang magiging hari dahil ito ang pinaka tapat at pinaka mahusay nilang heneral. Sila lamang dalawa ang nararapat na umupo sa trono!
'Vhicente... kakampi kita hindi ba?'
'Hindi mo ko iiwan hindi ba? Magkasama tayo dito'
Pero umiling iling si Vhicente kaya nabalot na ng takot si Kassidy
'Kassid-'
Biglang halik ni Kassidy sa kanya. Napaka rahas ng halik nito. Halik ng pagmamakaawa na tulungan niya ito at huwag itong pabayaan. Pero matagal ng inalay ni Vhicente ang kanyang katapatan sa trono. Ang tawag ng katungkulan ay higit sa sigaw ng kanyang puso
Dahil una siyang alipin ng tungkulin, bago siya isang heneral na umiibig
'Vhicente...'
Walang tigil na iyak ni Kassidy ng paghiwalayin niya ang kanilang mga labi. Ang lalaki na handa niyang ipaglaban at bigyan ng kaharian ay hindi kayang gawin ang kaparehas na bagay para sa kanya
YOU ARE READING
BLOOD: Slave of Duty
VampiroAfter a devastated event that took place at the Kingdom of Heodrido led by the Fletcher clan, princess Imelda was captured and was gifted as the new slave to the the most feared half-human and half-vampire, THE DRACULA Ferdinand, the last of his kin...