Matapos ang magdamag na paglalakbay nila Abigall, sa wakas ay malapit na din sila sa palasyo. Pagod at lumong lumo sila sa sinapit ni Katherine. Ang batang prinsesa ay natutulog na nakayakap sa likod ni Rodrigo. Salamat dahil kahit papaano ay nakakapagpahinga na ito sa walang katapusan na pag iyak mula pa ng umalis sila sa gubat
'Nandito ba si mommy?'
Tanong ni Kassandra na tulad ni Iymee ay napagod na lang din sa pag iyak. Awang awa nga si Abigall dito. Base sa kwento ng bata ay tinakas siya ng ina nito palayo sa kaguluhan, pagkatapos ay iiwanan lang din pala. Mabuti na lang ay natagpuan ito nila Rhodrigo at ng prinsesa
'Hindi namin alam'
Malungkot na sagot ni Abigall kaya umiyak na naman tuloy ang bata
May kakaiba sa batang kasama nila ngayon, hindi ma-point out ni Abigall kung ano, basta parang pamilyar ito... Somehow, ay naaalala niya rito si Imelda noong bata pa ito; Makinis at pagkaputi na kutis. Singkit na bilugang mata. Lalo na ang mahaba, makapal, makinang at napaka itim na buhok. Mukha itong galing sa angkan ng Fletcher! Hindi kaya anak ito ni Lennox? Nakita niya sa gubat ang walang puso na pinsan ng kanyang reyna. Hindi malabong anak nito ang bata. Ang tanong nga lang... sino ang ina nito?
'RHODRIGO!'
Hiyaw ng tumatakbong si Chistopher
Hindi pa sila nakakapasok as loob ng palasyo ay sinalubong na sila nito. Humahangos at punong puno ng luha ang mga mata. Kung ano mang sasabihin nito, sigurado si Rhod... hindi niya magugustuhan
'Anong nangyari dito?'
Galit at medyo may nginig na tanong ni Rhodrigo. Bakit nag iiyakan ang mga tao? Bakit nagkakagulo!
'Ang iyong ama...'
Hindi matuloy tuloy ni Christopher ang kanyang sasabihin, pero hindi na kailangan dahil kinaripas na ni Rhodrigo ang kabayo na siyang nakapagpagising sa prinsesa
'Anong nangyari?'
Nag-aalalang tanong ni Abigall sa binata
'Ang Dracula... nag iba na ang Dracula'
'Anong ibig mong sabihin?'
Hindi na nagpaliwanag si Christopher at umiling na lang ito kay Abigall at saka ito kumaripas ng takbo pabalik sa palasyo. Kailangan nasa tabi siya ni Rhodrigo kapag nakita na nito ang sinapit ng ama nito
'Ano bang nangyayari?'
Sa sariling tanong ni Abigall
Mahigpit niyang niyakap sa kanya ang walang malay pa din na si Imelda. Nagdadalawang isip na tuloy siya ngayong bumalik sa palasyo. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanyang reyna at sa nasa sinapupunan nito
'Lady Imelda...'
Gusto na niyang patakbuhin ang kanyang kabayo paalis! Kung totoo nga ang sinabi ni Christopher, hindi malabong ang bumalik na Dracula ay ang kaparehas na Dracula na nasaksihan niya sa gubat. Ang Dracula na walang awang pumatay sa mga kalaban... at ang Dracula na muntik ng umubos ng dugo at pumatay kay Imelda! Pero kailangan na ng agarang gamot ni Imelda! Mas ilalagay niya lang sa panganib ang mag-ina kapag hindi niya pa sila pinasok sa loob!
'DRACULA WAG!!!'
Dinig niyang sigaw ni Rhodrigo sa loob kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang patakbuhin na din ang kabayo papasok
'Traydor ang iyong ama'
Malamig at walang emosyon na sagot ng Dracula
Iyon na agad ang nasaksihan ni Abigall pagkapasok niya. Nagkalat ang madaming pugot na ulo sa sahig! At madami din katawan ang binitag! Ang harap ng palasyo ay nagmistulang himlayan ng mga patay. Napaka dami! Ito marahil ang mga katawan ng mga nagtaksil at rebelde... pero bakit kasali si heneral Vhicente! At ang babae na nakita niya sa gubat... bakit nandito? At bakit kasama iyon ng bangkay ng heneral
YOU ARE READING
BLOOD: Slave of Duty
مصاص دماءAfter a devastated event that took place at the Kingdom of Heodrido led by the Fletcher clan, princess Imelda was captured and was gifted as the new slave to the the most feared half-human and half-vampire, THE DRACULA Ferdinand, the last of his kin...