The Palace Genius

439 52 47
                                    

-FLASHBACK-

Naiinis at mainit na ang ulo ng 12-taong gulang na si Rhodrigo. Nalibot na niya ang buong palasyo pero hindi niya pa din nakikita ang anim na taong gulang na prinsesa. Mag-iisang oras na siyang naghahanap!

Ang prinsesa talaga! Napaka husay sa larong 'tagu-taguan. Hindi umuubra ang galing ni Rhodrigo kapag ang batang prinsesa na ang kanyang kalaban

'Oy! Rhodrigo!'

Hiyaw ni Christopher habang lampa lampa itong tumatakbo

'Wala siya sa kusina... pati don sa paliguan ng mga alipin...wala din!'

'Nabatukan at piningot na nga ako palabas ng mayordoma! Akala naninilip ako!'

Hawak hawak sa tainga habang hingal na hingal na sabi nito

'Sa may garden ka naman tumingin! Kapag wala don, doon sa may kwadra!'

'Hala! Rhodrigo naman! Sumuko na tayo... hindi na natin mahahanap ang prinsesa'

'Alam mo naman kung gaano kagaling magtago yon'

'At saka pagod na ko!'

Reklamo nito

Aba! Sumasagot! Babatukan na sana ni Rhodrigo ang kaibigan ng biglang dumating ang Dracula at ama nitong heneral

'O, bakit mo naman sasaktan iyang kabigan mo?'

'Tsk. Ikaw talaga Rhodrigo, binu-bully mo naman yang si Christopher'

'Kabait bait at napaka masunurin niyan sa'yo'

Dismayadong sabi ng Dracula habang nakasimangot din ang heneral sa anak nito. Kawawang Christopher, sunod sunuran sa napaka mainiting ulo na si Rhodrigo. Pero alam naman ng dalawa kung bakit ganon na lang ang katapan ng bata. Si Rhodrigo lang naman kasi ang kaibigan nito. Walang ibang gustong makipagkaibigan dito dahil lampahin at ang liit liit! Bansot nga kung asarin ng iba pang mga bata! E, si Rhodrigo, kahit na minsan ay nababatukan at nasisigawan si Christopher, lagi naman siya nitong pinagtatanggol. Simula ng mapasama ang patpatin na bata sa kinikilang 'berdugo' sa hanay ng mga kabataan, ay natigil na ang pang-aapi dito. Iyon nga lang, parang si Rhodrigo naman ang pumalit... pero pa minsan-minsan lang naman... at iyon ay tuwing naglalaro ang mga ito ng tagu-taguan kasama ang batang prinsesa

'Don't tell me, hanggang ngayon hindi niyo pa din nahahanap ang anak ko'

Pang aasar ni Ferdinand sa dalawang batang lalaki na umiiwas ng tingin sa kanya. Nagtawanan tuloy ang magkaibigan. Wala talagang binatbat ang mga ito pagdating sa prinsesa

'Call a friend na ba?'

Pang aasar din ni Vhicente

'Hindi daddy-'

'Oo! Ayoko na maghanap heneral!'

Singit agad ni Christopher kaya sinamaan ito ng tingin ni Rhodrigo

'O siya, saan ba kayo nagsimula?'

.

.

.

'Hihihi...'

Tawa tawa ni Iymee habang nag kukulay ito sa ibabaw ng lamesa ng kanyang ama. Kanina pa siya nakatago dito sa opisina pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya nahuhuli ni Rhodrigo

*stomp* stomp*

Mga yabag papalapit sa silid kaya dali daling tumayo at nagtago ulit si Iymee sa may loob ng mahabang upuan

BLOOD: Slave of DutyWhere stories live. Discover now