Love Always Win

693 60 132
                                    

Makalipas ang dalawang buwan ay namuhay na parang hindi na mag-asawa ang hari at reyna

Ang Dracula ay hindi na madalas nanatili sa loob ng palasyo. Parati na itong nasa labas at nakikipaglaban sa mga mamayan na nag aaklas dahil sa kawalang pananalig ng mga ito sa kanya. Sa iba't ibang dako ng kaharian ay may iba't ibang grupo ang pilit na sumisigaw na siya ay magbitiw na bilang hari at ibigay na kay lady Imelda ang pamumuno. Hindi na sila nasisiyahan sa malamig at malupit na pagpapalakad ng Dracula. Subalit bingi ang Dracula sa mga hinaing na iyon kung kaya't mayroong mga pag-aaklas at panggugulo na nagaganap

Mas mahirap para sa Dracula ang kalabanin ang sarili niyang mga mamayan kaysa ang mga tunay niyang naging kalaban. Unti-unti na rin siyang nanghihina sa araw-araw niyang pakikipaglaban. Ang tanging nagbibigay na lang sa kanya ng lakas ay ang kanyang reyna at kanyang mga anak

Si Iymee na madalang na din niyang makasama dahil ayaw na nitong alisan ng tabi ang reyna simula ng malaman nitong nagdadalang tao ito

At si Imelda, na sa isip at sa madilim na sulok na lang niya nakikita

Sa bawat gabi pagkatapos ng madugo niyang pakikipaglaban ay palihim siyang pumupunta sa silid nito. Pinapanood ang paghinga at mahimbing nitong tulog mula sa madilim na sulok ng kwarto

Maraming beses niyang ginusto ang tabihan ng higa at yakapin si Imelda para maibsan ang kanyang lungkot, subalit hindi na ito inaalisan ng tabi ni Abigall. Sa mga araw naman na gusto niya itong lapitan kapag naglalakad ito sa palasyo, ay hindi rin niya magawa. Ramdam niya ang ginagawang pag iwas ni Abigall kay Imelda. Hindi hinahayaan ng tapat na kaibigan nito na magtagpo ang landas niya at ng kanyang reyna

Kaya't tulad ng mga nakaraan niya nang ginagawa ay nandito ulit siya sa sulok, nakatago at tahimik lang na pinapanood ang pagtaas-baba ng dibdib ng kanyang asawa at ang madiing hawak nito sa kanilang kambal

.

.

.

Hirap na hirap na si Imelda sa paglayo niya kay Ferdinand

Nagsisimula na siyang mainis sa bawat araw na hindi niya nakikita ang kanyang asawa. Sa pag iwas na ginagawa niya sa tuwing makakasalubong niya ito- kahit nga kay Abigall na tanging ang kapakanan niya lang naman ang isinasaalang alang

Gusto na niyang makita at makasama ulit si Ferdinand

Gusto na niyang makasama ito ng kanilang mga anak

Pero ayaw ni Abigall. Isa iyong kahibangan

'Hindi ka pwedeng malapit sa halimaw na iyon'

Pigil agad ni Abigall ng lumakad ang reyna papunta sa balkonahe. Yumakap siya mula sa likod ni Imelda at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa tiyan nito kung saan naglalagi ang mga magiging bagong tagapagmana

Bihira ang pagkakaroon ng kambal ayon sa mage. Matagal na ng huling magkaroon ng kambal na tagapagmana ang kaharian ng Zapairyn, siglo na ang nagdaan. Ang pagsilang sa dalawang sanggol ay mangagahulugan ng muling pag-angat ng angkan ni Imelda at ng mga bampira

'Mabuti na ang kalagayan ko'

Sabay tanggal niya ng kamay ni Abigall. Sinundan naman siya nito sa may balkonahe at saka siya maingat na inupo sa recliner

'Kaya ko na ulit harapin ang aking asawa'

Medyo may inis na sa kanyang tono. Sawa na siya sa ginagawang pagkontrol ni Abigall sa kanya. Siya ang reyna, pero pakiramdam niya ay isa siyang bilanggo sa palasyong ipinangako niyang pamamahalan at pangangalagaan. Hindi siya dapat nakakulong sa kanyang silid, dapat ay nasa labas siya at tinutulungan ang kanyang asawa, lalo ngayong nalaman na niya ang panganib na sinusuong nito araw araw

BLOOD: Slave of DutyWhere stories live. Discover now