This chapter is dedicated to rovicTulagan1
I hope you'll like it. Stay strong bebe gurl 🤗
Enjoy reading!
'Do you really have to do this?'
Tanong ni Katherine sa repleksyon niya sa salamin
Mariin at matalim ang mga titig ni Katherine sa kanyang sarili habang nakadiin naman ang kanyang mga ipin
'It should be fun... '
Nangingiti niyang sabi pero ang totoo ay kinakabahan siya at parang ayaw naman niya talaga
'Handa na po siya, Lady Katherine'
Anunsyo ng isang alipin
'Alright, you can sit her on this chair'
Maingat na inalalayan ng apat na alipin si Imelda paupo sa harap ng malaking salamin
'Makakaalis na kayo'
'Ako na muna ang bahala sa kanya'
Sabay sabay na tumango ang limang alipin bago sila mabagal at paatras na lumakad palabas
'Anong balak mong gawin sa'kin?'
Galit na tanong ni Imelda ng maiwan silang dalawa na lamang ni Katherine sa silid
Si Imelda ay katatapos lang paliguan at tuyuin ang buhok. Nakasuot siya ng puting robe at walang kahit ano sa loob
'You know princess, sorry, I mean... Lady Imelda'
Mapang asar na tawag ni Katherine habang matapang din siyang nakikipagtitigan kay Imelda sa salamin
'Aaminin ko, nagseselos ako sa'yo'
Nagpipigil lang si Imelda at napairap na ito ng magkabilang balikat siyang hinawakan ni Katherine at hinimas siya doon
'But I'm not jealous because of your beauty, which I have to admit is what every woman in this kingdom are very envious of'
'I am not'
Napalunok ng hindi nagpahalata si Imelda ng biglang pumisil ng madiin si Katherine sa kanyang balikat
'You know why I'm jealous of you?'
Alam ni Imelda pero hindi niya hahayaan na sa kanya magmula. Ang malaking pagseselos na nakikita niya sa mukha ni Katherine ay masyadong mapanganib para sa kanya, at kung hindi siya magiging maingat, ay baka bigla na lang siya mawala ng walang kahit sinong makakaalam
'Do you know?'
Pag-uulit ni Katherine
'I have no idea'
'Bakit hindi ikaw ang magsabi?'
May pang-aasar na din na sagot ni Imelda. Maaring mapanganib nga ang pagkikipaglaro niya kay Katherine, pero hindi niya mapigilan ang sarili na mas lalo pa itong asarin. Nakakatuwa para kay Imelda na makita na unti-unti niyang nasisira ang pagsasama ng dalawa ng dahil sa kanya
'My husband'
Seryoso na salita ni Katherine pagkatapos itong tumigil sa paghimas kay Imelda at nakikipagtitigan na lang siya dito ng mariin
'Ferdinand likes you'
Hindi napigilan ni Imelda na mapatawa ng malakas, na siya namang mabilis na ikinainit ng ulo ni Katherine
'At kasalanan ko yon?'
Nakangiting tanong ni Imelda kay Katherine sa salamin
'No'
YOU ARE READING
BLOOD: Slave of Duty
VampirAfter a devastated event that took place at the Kingdom of Heodrido led by the Fletcher clan, princess Imelda was captured and was gifted as the new slave to the the most feared half-human and half-vampire, THE DRACULA Ferdinand, the last of his kin...