Hindi maalis ang ngiti ko, inabot na ako ng madaling araw kakaisip sa halik! halik lang yon bakit ko ba binibig-deal?! hindi tuloy ako makafocus. Oo nga pala, kailangan ko na mag-imbistiga ng mabuti at tumatakbo ang oras. Lalo na at hindi pa namin alam kung ano pang pwedeng gawin ng may pakana ng mga gulong ito.
Alas sais ng umaga.
Inutusan ako ng gobernadorcillo na magtungo sa tanggapan ni Don Augustin upang idala ang mga kuwaderno na hindi ko alam kung ano ang nakasulat. Napaisip tuloy ako kasi ang alam ko bodyguard ako dito eh, naging all around personal assistant pa yata. Pagkarating ko roon ay nasilayan ko nanaman ang mga taniman ng mais, napangiti tuloy ako ng maalala ang eksena namin ni Isaac dito.
"Magandang umaga ho, Don Augustin." bati ko rito pagkapasok sa opisina nya, mabuti naman at kilala na ako ng mga guardia sa labas.
"Magandang umaga rin, Hija. Maupo ka." sagot nito pabalik sabay muwestra sa upuan kaya naupo na ako, ayoko namang maging bastos at basta na lang i-abot ang mga dala ko. "Iyan na ba ang mga hiniram ko?" tanong niya habang nakatingin sa mga kuwaderno, tumango ako sabay tayo at maingat na inilapag ang mga iyon sa lamesa.
"Oho, ito lamang po ang sadya ko rito, mauna na rin ho ako." yumuko ako bilang pagpapaalam.
"Sandali..." pagpigil nya sa akin, nag angat naman ako ng tingin. "Maaari ko bang malaman kung ano ang kaugnayan mo sa anak ko?" para akong naestatwa sa itinanong niya.
Paano niya nalaman?
Anong isasagot ko?
Hindi naman ako pwedeng umamin at malamang sa malamang ay tutol siya sa akin. Sandali akong hindi nakasagot at bumalik na lang ako sa pagyuko.
"Hindi ko ho matukoy kung ano ang inyong ibig sabihin, Don Augustin." pagmamaang-maangan ko, narinig ko namang napasinghal siya, yun bang ngisi ng mga kontrabida sa pelikula.
"Marahil ay totoo nga ang sinasabi ng iba na ikaw ay hindi pangkaraniwang binibini." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, pinagchichismisan ba ako ng mga tao dito?
"Kung ikaw ay may masamang balak sa aking anak, ngayon pa lamang ay itigil mo na." nagulat naman ako sa kaniyang sinabi, masamang balak??
"Hindi ko ho maintindihan ang inyong sinasabi, wala ho akong masamang intensyon kay Isaac." sagot ko pabalik ng hindi kumukurap, ngumisi nanaman siya at napagtanto ko tuloy na parang umamin na rin ako na magkakilala kami ni Isaac.
"Ako'y naninigurado lamang sapagkat tila isa ka lamang ligaw na halaman na biglaan na lamang umusbong dito sa aming lugar, walang nakakaalam ng iyong pagkakakilanlan, ano ang nais mong isipin namin?" paliwanag niya, hindi ako makakibo sapagkat tama naman siya, hindi naman talaga ako taga-rito. At totoo rin na bigla na lang akong umusbong dito.
"Kung ikaw ay isang magulang, mauunawaan mo rin ang aking pinanggagalingan." dagdag niya pa.
Kasalukuyan na ako ngayong naglalakad palabas ng tanggapan ni Don Augustin, ang kaninang saya na nadarama ko bago magtungo rito ay para bang naging bula na bigla na lamang naglaho. Para ako ngayong binagsakan ng langit at lupa.
Gusto ko mainis sa mga sinabi ni Don Augustin sa akin ngunit mas naiinis ako sa sarili ko dahil nare-realize ko na tama naman siya, bakit mo hahayaan ang anak mo na makisalamuha sa taong hindi mo naman lubos kilala at misteryo pa rin ang pinanggalingan. Sa inis ko ay sinabunutan ko ang sarili ko.
"Nakakainis!" pagkausap ko sa sarili ko, pagbaling ko ng tingin sa harap ay nagtama ang mga mata namin ni Isaac na ngayon ay kasalukuyang nakangiti sa akin. Bakit ba ganiyan siya makangiti, napaiwas na lang tuloy ako ng tingin dahil nararamdaman ko nang namumula na ako.
BINABASA MO ANG
Panimdim
Historical FictionSi Mirza ay guardia ng isang politiko sa taong 2022 na mapupunta sa taong 1870. Nagkataong maililigtas niya ang buhay ng Gobernadorcillo sa panahong iyon at bilang gantimpala, hihilingin niyang maging guardia nito. Mamamangha ang lahat sa angkin niy...